4th Scene New Home

18.4K 551 7
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Mama wa doko?" Tanong ko sa mga kasambahay sa bahay. -------> (where's mama?)

"Kara-chan" tawag nang isang babaeng patpatin hehehe joke.

"Jen andito ka na pala." Niyakap ko siya ng makalapit siya sa akin.

"Oo."

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Kararating ko rin lang. Sinundo ako ni Ren-san kanina bago ka niya sinundo sa school." Mahabang paliwanag niya sa akin.

"Ba't di ka sumama sa kanya sa school at ng makita mo ang bago nating play ground?"

"Yung mga gamit ko kasi kailangan ko pang ayusin para bukas. Nalate na nga ako pumasok eh" pagka kamot niya nang ulo.

"Dibale first day of school naman at siya ka half day din. So, you did not miss a lot." sabay smile sa kanya. "Nga pala asan si Mama?" Tanong ko ulit.

"Nasa balcony siya ngayon. Kausap si Otoosan." Ang tinutukoy niyang Otoosan ay ang Papa ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. "Thank you." At umalis na ko.

Si Jen ay kababata ko at isa sa mga bestfriend ko. Anak siya nang nag alaga sa akin sa Japan na namatay matagal tagal na kaya kinupkop na siya nang Pamilya ko. Kaya nung lumipat kami dito nang Mama ko ay sumama din siya. Mag kasing edad lang kami kaya halos pagkamalan kaming kambal parate kapag magkasama. Dapat nga eh sabay kaming papasok ngayon pero may inasikaso pa siya sa Japan kaya nahuli na siyang pumunta rito.

"Mama?" Pag katok ko sa kanyang kwarto.

"Pasok" tawag nito at binuksan ko na ang kwarto niya. Dumeretcho naman ako sa balkonahe nang kanyang kwarto. Nakita kong parang katatapos lang niyang kausapin ang Papa ko sa telepono.

I hug her and said my greetings. "Tadaima" ------> (I'm home)

Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa pisngi "Okaeri" -----> (welcome home)

Kumalas ako sa pag kaka yakap sa kanya at umupo sa katabing upuan. "So what did you talked about with Papa?" Tanong ko agad sa kanya.

"Kinukumusta lang niya tayo kung nakapag settle na ba tayo dito sa bagong bahay." Sagot nito sa akin.

"Ba't ba kasi kelangan nating lumipat dito? Maayos naman ang pag aaral namin ni Jen sa Japan." Parang na inis tuloy ako bigla sa Papa ko. Padalos dalos siya nang iniisip. Bigla nalang niya akong pinatapon dito.

"Alam mo naman na magulo ngayon sa bahay diba?"

'Oo nga pala. Sumiklab nanaman pala ang labanan sa ibang Pamilya nang mafia na gustong mag hari-harian sa underground world. Hay nako.'

"Eh sila. Kamusta naman sila dun?" Tanong ko nalang sa Mama ko. Isang linggo na kasi kami dito sa Pilipinas pero wala pa akong naririnig na balita mula sa mga kapatid ko o sa Papa ko.

"Ayos naman daw sila nang mga Kuya mo. Wala pa namang na mamatay sa kanila." Patawa tawa pa nito.

Pinalo ko siya sa braso niya. "Talagang kaya niyo pang magbiro sa mga oras na'to habang delikado ang buhay ng mga mag a-ama niyo noh Ma." talaga naman ang mama ko.

"Walang magagawa ang pag-aalala anak. Isa pa andun ang Papa mo hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa mga Kuya mo kaya impossibleng mamatay sila nang maaga." Sabay kinikilig pa ito.

'Yaks mama ang tanda mo na pa-teenager ka pa.' Nandidiri ako sa pagiging feeling teenager ng Mama ko.

"Hay nako. Ewan ko sa'yo." Sabay kamot sa ulo ko. Ewan ko ba sa Mama ko. Kahit na halos minsan lang sa isang buwan niya makita si Papa pero inlove na inlove siya sa kanya. Ganun din naman ang Papa ko pero at least siya hindi halata hindi katulad ni Mama lantaran talaga.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now