Sa may puno ng mangga (I love you. short story)

67 2 3
                                    

I love him...

Ang hirap talagang ma-inlove sa taong may ibang mahal. Yung tipong kahit anong pagdikit mo, kahit anong pagkausap mo, kahit anong gawin mo... mananatiling kaibigan ka lang niya. Hay, bakit ba kasi sa dinami-daming lalaki sa mundo, yung lalaking minahal ko pa ay yung hindi dapat. Tanga ko lang. Sobra!

 “Boo!”

“Ay palaka!” tiningnan ko ng masama yung lalaking nanggulat sa akin. “Naman eh! Ba’t kasi kelangang manggulat!!”

At nginitian lang ako ng mokong.

“Lalim kasi ng iniisip mo dyan eh. Tsaka tinatawag kaya kita kanina pa… Tulala ka dyan masyado eh. Anu ba iniisip ni ateng maganda?” sabi niya habang tumataas baba ang mga kilay niya. Tss.

Ang hilig talagang mambola ng isang to.

Ikaw… sabi ko sa sarili ko. Ikaw ang iniisip ko :’(

“Wala… tigilan mo nga ko sa pambobola mo. Maganda.. tss.. sinong niloko mo.”

“Pambobola? Di naman ako nanloloko eh. I’m just being honest Miss, totoo namang maganda ka eh.”

“ewan.” At umalis na ako doon at iniwan siya.

Siya nga pala si Lester. Di naman siya kagwapuhan tulad ng iba. May itsura lang kasi ito at ma-appeal. Magkagayunman, matalino ito at matangkad. 5’11 ang height niya, kaya naman pansinin talaga siya. Bukod pa roon, mabait siya at sobrang palakaibigan. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya eh… at sa kasawiang palad, isa na ako roon.

Kasawiang palad kasi nga tulad ng sabi ko kanina, ang taong mahal ko ay may mahal ng iba. Hay… pero sa totoo lang, never ko pa ngang nakita yung taong kinalolokohan nun eh. Ay mali, never pa NAMIN nakita yun. Wala kasi tong pinapakitang picture o kahit pangalan man lang ng babaeng ito.

Ang dami tuloy nacucurious sa mystery girl na yun. At syempre maraming naiinggit kasi mahal siya ni Lester. MAHAL NA MAHAL.

Pano ko nasabi? Kasi naman po, lagi na lang pag may nagtatanong sa kanya tungkol sa mahal niyang yun… kumikinang yung mga mata niya at talagang tuwang-tuwa ito. Kaya nga ang sakit eh… kasi alam kong wala talaga akong pag-asa sa kanya T^T

“Psst. Ui!” napalingon ako dun sa sumisitsit. Pamilyar kasi yung boses at tama nga ang hinala ko siya si Lester.

“Pwede ba, may pangalan ako. At di ako aso na sinusutsutan.” Sabi ko sa kanya.

“Lately napapansin ko ang sungit mo sakin.” Sabi niya.

… kasi lately narealize ko wala talaga akong pag-asa sayo.

“hay.. kasi po maldita talaga ako.”

 “Sus, maniwala.. haha.. “ tiningnan ko siya ng masama.” Oo na, sori na.. to naman. San ka punta?”

 “Sa may garden… mag-aaral.”

“Aral nanaman? Di kaya sumabog nay an utak mo kaka-aral?”

“Di naman kasi ako tulad mo na kahit di mag-aral mataas pa din ang nakukuha sa exams.”

“aba sye—“

“sige na, kaw na. Magmamayabang ka pa dyan eh.”

Pagdating ko dun sa may garden part ng school namin eh dumeretso kaagad ako dun sa may favorite place ko. Sa may puno ng mangga, an lilim kasi eh. Nagulat ako ng pagkaupo ko sa spot ko, eh humiga bigla si Lester sa may lap ko.

 Anong trip ng lalaking to… sabi ko sa sarili ko.

 Aish. Ito nanaman tong puso to. Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko. Ayoko na nga ee.. T^T

Sa may puno ng mangga (I love you. short story)Where stories live. Discover now