HIS BESTFRIEND

9 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Event., and incidents are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any recemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidential


This story may contain grammatical error, spelling mistakes, and wrong placement of punctuation marks. If you are bothered, then you can leave the story freely.



________________________________________


LORELEI's POV


 Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hinahanda ako aking sarili para sa pag pasok ko sa school. It's September 1. 

'Oh malapit pala yung birthday ko'


Maaga ako umalis ng bahay at pumasok sa school. Pagka dating ko sa room ay wala pang masyadong tao kaya naman inilabas ko ang notes ko para makapag basa basa in case na may naka schedule na quiz ngayong araw na nakalimutan ko lang. Di nag tagal ay may narinig akong pamilyar na boses at di nga ako nag kamali dahil nakita ko si Lia at Crizza na pumasok. Natigil lang sila sa pag uusap nung makita ako.


"Oh? Lei, himala ang aga mo ngayon pumasok?" Takang tanong ni Crizza. Nginitian ko naman agad sya. 

"HAPPY BIRTHDAY LEI!" Masiglang sabi naman ni Lia. Sa lahat ng nahing kaibigan ko sya yung pinaka hyper pero ok lang kasi kahit ganyan yan,love namin yan. 


"Ikaw talaga Lia hahaha mas excited kapa sakin?" Natatawang sabi ko at bahagyang natawa din si Crizza dahilan para mag pout sya. 

Nag tuloy tuloy pa ang kwentuhan namin pero ilang sandali lang ay nakita namin si Shane na kakadating lang at hingal na hingal. 


"Shane bakit ngayon ka lang? Malapit na mag start yung klase natin ah?" Tanong ni Crizza pero hindi sya pinansin nito. 

Agad na lumapit sa pwesto namin si Shane at humarap sakin. 


"Lei.." Sa tono palang ng pananalita nya ay mahahalata mong may hindi tama. Tinignan ko lang sya at hinintay na matapos ang kanyang nais na sabihin. "Lei kilala mo ba yung bagong classmate nila Hanz? Yung kakalipat lang daw nung isang araw? Basta yung babaeng maputi tapos maikli na medyo color red yung buhok?"


"Ah yun yung bestfriend ni Hanz diba? Yung sinabi mong nakilala nya sa Japan?" Baling saakin ni Crizza. Totoo yun. Kahapon magkausap kami ni Hanz tapos nabanggit nya sakin yung tungkol kay Eumi, yung babaeng sinasabi ni Shane na matagal na silang mag kakilala. 


"Shut up ka nga Crizza hindi naman ikaw yung tinatanong eh." Sabi ni Lia. "Oh anong meron sa kanya?" Usisa ni Lia. 


"Ganito kasi yon. Kahapon kasi nasa bahay namin si insan tapos nung umalis na sya naiwan nya yung wallet nya kaya naisipan kong ibalik muna yon sa kanya since maaga pa naman nung makarating ako dito. Tapos nung babalik nako sa building natin nadaanan ko yung room nila Hanz at aksidenteng napatingin ako sa loob ng room nila. Guess what? Nakita ko yung babaeng yon na nakasandal sa balikat ni Hanz tapos ito namang si Hanz nakaakbay pa sa kanya." Mahabang kwento nya. Natigilan ako sa huling mga sinabi nya.  

(oneshot)Where stories live. Discover now