Chapter 13

8.8K 336 155
                                    

Chapter 13: Attention


"What are you guys doing here except for ruining my morning?" my voice was filled with irritation when Desmond and Morde barged into my house. Can they not even bother me just for once?


Kinusot ko ang mga mata ko at nakita kong kakaiba ang mga suot nila na para bang wala silang pasok ngayon. Kumunot ang noo ko at tiningnan mula ulo hanggang paa ang itsura nilang dalawa.


"What's with the outfit? Walang pasok kaya nanggagambala?"


Sumilay ang ngiti sa labi ni Desmond at pumalakpak pa ito na parang isang bata. Ano bang ginagawa nila dito?


"We are going again to the Enchanted Kingdom, Eliza," Desmond said, the reason why I grinned, but I'm still irritated. Why are we going again to the Enchanted Kingdom? Isn't he tired of going back there?


"Mga panira kayo ng umaga, pumasok na nga kayo," pagpapaubaya ko at tuluyan ng binuksan ang pinto kaya dali-dali silang pumasok. Napakamot ako sa ulo ko dahil kaagad silang nagtungo sa kusina at panigurado akong gagalawin na naman nila ang mga pagkain ko.


Bumalik si Morde sa sala at may kinakain na itong saging. Gusto ko silang singhalan pero masyado pang maaga at ayaw ko namang mapagod kakasigaw dahil sa kanilang dalawa.


"Pareho talaga kayong may saltik ng kaibigan mo. Marami na nga akong ginagawa tapos niyayaya niyo pa akong pumunta ng Enchanted Kingdom," reklamo ko at umupo sa tabi nito ngunit may distansya pa rin sa aming dalawa.


"I was not with you guys last time, and even if you don't like coming, you'll come," he muttered with such a bossy tone, but I just rolled my eyes. I massaged my ego and leaned my head to the sofa. I'm just too busy for school, and because of that, I keep dealing with headaches.


"Your head hurts?" tanong ni Morde. Sumilip ang mga mata ko sa kanya at halos matigilan ako nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin. Umawang ang sulok ng labi ko na para bang hinahanap ko ang mga salitang sasabihin ko sa kanya.


"Kung masakit ang ulo mo, mas masakit kapag walang ulo."


Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa biro niya. Ang akala ko pa naman e' bibigyan ako ng gamot pero balak pala akong inisin, tss!


"Umalis ka sa tabi ko at baka masipa kita," nakangiti pero may pagbabanta kong sabi sa kanya. Nakalimutan ko palang may saltik rin ang isang kagaya niya. Magsama silang dalawa ng kaibigan niya!


"Maghanda ka na para naman makaalis na tayo," utos niya pero umikot lang ang mga mata ko at pinagkrus ang dalawa kong braso. Sino bang nagsabi na sasama ako sa kanila e' may thesis pa akong kailangang gawin?


"Who said that I'm coming? I have something to do--"


"Like what?" he cut me off, and my eyes shifted to my study table wherein there were papers piled, and books were scattered beside it. He followed where I was looking, and I think he got my signal to him.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon