Chapter 16

8.9K 272 45
                                        

Chapter 16: Unbelievable


"This is really ridiculous," I hissed and put the strap of my bag on my shoulder irritably.


Umabot hanggang ala-sais ang usapan nila at mabuti na lang ay pinayagan na ako ni Tito Mike na umuwi dahil naramdaman niya naman siguro na masama na ang timpla ko.


Sa dami-dami ng puwede kong isukli kay Tito Mike ay bakit ito pa?


Hindi ko pa siya nakakausap ng maayos dahil ayoko namang maging bastos sa mga magulang ni Desmond pero nakakainis na ako ang huling nakaalam ng plano niya.


"Nakakainis!" I mumbled and massaged my ego.


I can't believe that I was the last one to know their agreement. Arranged marriage, my ass, I will not allow such agreements like that!


While I was waiting for the taxi, a Wrangler suddenly appeared in front of me, causing me to frown.


Unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at parang mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita kung sino ang may-ari ng Wrangler.


"Hop in because we need to talk," he said with a stern voice.


"Sasakay talaga ako." May kasamang pagdabog ang pagsara ko sa pinto at naramdaman kong sumayad ang tingin sa akin ni Desmond.


My brows are still furrowed as I cross my arms, and I can't stop being irritated, argh!


"If you're mad, then talk to me, Eliza. Kung may tanong ka ay sasagutin ko," usal niya sa baritonong boses.


Marahan akong nagpakawala ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Ayoko namang mangibabaw ang galit ko dahil alam kong hindi kami magkakaintindihan.


"When did you find out about the agreement?" I asked, and I heard him clear his throat before answering.


"Three days ago." My eyes automatically shut for a second, trying to maintain my composure.


He already knew the agreement for three days, and he didn't tell me?!


"And you didn't even tell me?" My jaw clenched. I'm sure that I will be out of focus because of this bullshit.


"I'm waiting for the right timing--"


"Right time ba 'yung nalaman ko ang lahat kung kailan kasama na natin ang mga magulang mo?" putol ko sa kanya. Hindi ko mawari kung sino ang may pasimuno ng kasunduan na ikasal kaming dalawa pero kitang-kita naman kung anong sagot ko, hindi ba?


"Kaya nga tayo nag-uusap, hindi ba? Kaya ka nga sumakay dito kasi kailangan nating mag-usap para sa agreement na 'yan."


Hindi ako papayag sa kasunduan na 'yan at huwag na nilang asahan ang sagot ko dahil alam kong madidismaya lang sila.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Where stories live. Discover now