Chapter 1

3 0 0
                                    

Naglalakad ako sa aming covered court ng biglang may tumama sa aking ulo. Naramdaman ko agad ang sakit nito kaya napapikit ako ng mapansin na may isang lalaki ang naka suot pang basketball ang papalapit sa akin.

Jusko ang gwapo! Lord help me lalo na at weakness ko ang mga pogi. Nararamdaman ko ang bilis na pagkabog ng aking dibdib.

"Miss, okay ka lang ba?" Concerned na tanong ni koya.

Hindi ako maka focus sa pinagsasabi niya. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang init ng aking pisngi at mabilis na pagkabog ng aking dibdib.

Unti unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin. Palapit na palapit na ang kaniyang labi at nararamdaman ko na rin ang kaniyang hininga.

"ALLISON! Gumising ka na at ma lalate ka sa pasok mo." nag aalalang sambit ni mama.

Sayang naman!

Agad agad akong tumayo at kumaripas ng takbo patungo sa aming banyo upang maligo.Pagkatapos ay mabilis na nagbihis at kumain.

"Ma, alis na ko." tatayo na sana ako ng makita kung anong oras oras palang.

"MA.. 6:20 am pa lang?! 7 pa yung pasok ko!" gulat na gulat kong tanong

Hay nako. Si mama talaga.

"Sige ma, maglalakad nalang ako total 7:15 pa yung pasok ko..para na rin maka tipid tayo sa gastos." pagpapaalam ko naman kay mama.

Si mama ay nagtatrabaho sa isang restaurant bilang taga hugas ng plato. Oo. Hindi kami mayaman pero kontento na ako sa kung ano mang meron ako.

Si papa naman ay namatay bago pa ako ipanganak dahil na aksindente siya sa kaniyang motorsiklo. Kaya magmula noon si mama na ang mag isang nagtaguyod sa akin.

"Kaya allison mag aaral ka ng mabuti para maiahon mo si mama sa kahirapan." bulong ko sa sarili ko

Habang tumatawid ako bigla kong naalala ang panaginip ko.

Isang lalaki na gwapo tsaka yummy. Siya yung crush ko na basketball player. Omg pano kung natuloy yung halik namin? Edi laglag panty ko.

Napawak ako sa aking dibdib sa gulat ng may malakas na bumusina sa gilid ko.

"HOY MISS TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO!" malakas na sigaw niya.

Tsk! Ang sungit. May dalaw ata si koya. Akala mo naman gwapo. AYy gwapo talaga siya parang model kaya lang panira ng moment pero di bale good mood ako kaya hahayaan ko nalang. Nag peace sign lang ako at ngumiti sa driver.

Pinaharurot niya na ang kaniyang sasakyan kaya nagpatuloy na ako.
Binilisan ko ang paglalakad dahil ayaw kong ma late sa first day ko noh.

Napangiti naman ako ng na alala ko na naman ang panaginip ko.




The World And UsWhere stories live. Discover now