Faulty Parallelism

19 0 0
                                    

(Namiss ko lang ulit gumawa ng mga ganito haha)

What is Faulty Parallelism? Sa Ingles, ito yung  pagsasama ng mga salita sa pangungusap na parehas naman ang kahulugan pero kung titingnan, mali ang pagkakagawa. Ano'ng pagkakapareho nya sa totoong buhay? Faulty Parallelism, ano yun eh ... parang kayo, ay wala palang kayo. Yung , pinipilit na magcombine,  pero madaming mali kaya hindi rin pwedeng pagsamahin, parang pangungusap na puno ng errors kaya kailangang ayusin, baguhin. Faulty Parallelism ... Pinagtagpo pero di itinadhana. Sa totoo lang, meron din nyan sa Matematika, Parallel Lines. Never naman sya naging mali sa Math, kaso nga lang wala pa rin, walang pag-asang magtagpo. So balik nalang tayo ulit sa Faulty Parallelism... Ikaw, oo ikaw ... Sasabay ka ba sa agos na walang kasiguraduhan? Sasamahan mo ba sya kung mundo niyo'y magkaiba? Kaya mo bang baguhin ang landas mo para pagtagpuin kayo kahit alam mong mahirap? O maaari kayang ayusin mo ang Parallel Structure para maging pwede ang hindi at maging tama ang mali? Madami pa namang paraan para makapag construct ka ng panibagong sentence, hindi ba? Yung walang mali. Yung pwedeng pwede dahil perfectly combined at bagay na bagay sa mundong hindi mo hawak ang bawat pag-ikot nito. Siguro mas piliin mo dapat yung walang macocorrect sayo dahil alam mong tama ang pangungusap mo, ang desisyon mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faulty Parallelism Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon