Chapter 25

8K 244 63
                                        

Chapter 25: Turn (trigger warning)


Desmond's POV

"Hello, are you the owner of the car with the plate number *******?" tanong ni Miguel sa kausap niya sa phone habang kami naman ay patagong nakikinig sa loob ng van malapit sa kanya.


Naging pabaya ang killer. Hindi niya napansin na may CCTV pala sa convenience store na nadaanan niya na dahilan para malaman namin ang plate number ng sasakyan niya at nandito kami ngayon sa isang apartment kung saan siya nakatira.


I think he was tense at that time because of the people surrounding him. Nagawa niyang takpan ang mga clips na sa tingin niya ay kukunin namin pero hindi niya napansin ang isa pang CCTV na mayroon ang convenience store.


May nakatagong spy camera sa damit ni Miguel para marinig namin ang pinaguusapan nila. Umaasa ako na tama ang hinala namin dahil kapag hindi ay baka maubusan na kami ng oras para iligtas si Angela.


"Mukhang pinag-tripan ka ata ng mga bata. Halos lahat ng gulong ng sasakyan mo e' flat na," pagpapalusot ni Miguel habang kami naman ay naghahanda na.


"Ready your positions," utos ko nang makita sa bintana ng apartment ang pagbaba ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang tinutukoy ng tindera sa Divisoria.


Matangkad ito at gwapo na sa tingin ko ay sakto sa profiling namin. Nakuha niya pang mag-online selling para makapang-biktima ng mga babae.


Unti-unting lumapit ang lalaki na nagngangalang Marco Abueva. Siya ang pumapatay sa mga babae dito sa Maynila pero anong dahilan maliban sa sakit niya? Anong dahilan kung bakit niya ginagawa 'to? Masyado pa siyang bata para pumatay.


"Anong nangyare?" Tiningnan ni Marco ang kanyang sasakyan na ngayon ay flat na ang mga gulong. Tinapat ko na ang radyo sa bibig ko at nagbigay ng senyas sa mga pulis na nagtatago sa likod ng kotse.


Sinundan ko ng tingin si Marco na ngayon ay pagala-gala sa kanyang kotse. Humigpit ang hawak ko sa radyo nang tumingin sa akin si Miguel para bigyan ako ng senyas. Kukuha muna ako ng tiyempo at kapag nakuha ko na ang pagkakataon ay doon na papalibutan ng mga pulis si Marco.


Tumungo ito sa likod ng sasakyan at doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na gumalaw.


"Move!" utos ko na dahilan para umaksyon na si Miguel at kaagad na pinadapa si Marco sa harap ng kotse.


"Bitawan mo ako!" Nagwawala na si Marco at nagawa niya pang suntukin si Miguel sa tagiliran. Napadaing sa sakit si Miguel at sinubukang abutin si Marco ngunit bigo siyang mahawakan ang laylayan ng damit nito.


"T-Tangina, hoy!" Akmang tatakbo si Marco pero tinutukan ko na siya ng baril. Wala na siyang kawala dahil lahat ng mga baril ay nakatutok na sa kanya.


"Sa tingin mo makakatakas ka pa?" I gritted my teeth when I already faced the killer. Tinaas niya ang kanyang mga kamay at nagpakita ng isang ngiting aso habang kinikilatis ang mukha ko.

Taming The SuperiorsWhere stories live. Discover now