Chapter 45: Faced
Naging matalas ang tingin ko sa paligid. Panay ang paglingon ko sa kanan at kaliwa at nakita kong patuloy pa ring binabantayan ng mga guwardiya ni Desmond ang garden. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang kumukuha ng tiyempo na makawala sa kanila.
Mahigpit kong nahawakan ang strap ng bag ko dahil sa binabalak ko. Alam kong magagalit si Desmond pero gusto ko ng makawala sa kanya.
I lost the chance when Rajna asked me about Desmond hurting me. It feels like my mouth was stitched that time. My mouth refused to answer Rajna's question and changed the topic afterward.
Rajna is a good person even though we have a misunderstanding back then. When she asked me if Desmond was hurting me, I felt at ease knowing that she noticed something wrong with me. I lied, but I know she doesn't believe what I said.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nag-iisip kung paano sila papaalisin sa garden. Sa garden lang ako puwedeng lumabas at kapag natawid ko na ang fence ay kaagad akong tatakbo.
Ramdam ko pa rin na masakit ang katawan ko pero kailangan kong subukang tumakas sa bahay na 'to. Tatakas ako sa paraang alam ko at kapag nakatakas na ako ay kaagad kong kukunin si Mama para ilayo dito sa Maynila.
Alam kong delikado pero mas mapapahamak ako kapag nanatili pa ako sa poder ni Desmond. Hindi ko na siya kontrolado at hindi ko na siya kilala. Lagi niya nalang akong sinasaktan at pagkatapos nu'n ay magkukunwari siyang parang walang nangyare.
Hindi ko na kayang manatili sa tabi niya kaya ko 'to gagawin.
"Nawawala si Ma'am Eliza!" ang sigaw ng guwardiya sa loob ng bahay na dahilan para mataranta ang mga guwardiyang nagbabantay sa garden. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang umalis ang mga nagbabantay at doon na ako nakakuha ng tiyempo para tumakbo palapit sa fence.
"F-Fuck," I cursed while running to the fence. I climbed to it, and I can feel the edge of it poking my skin, making me groan in pain, but I still forced myself to cross the barriers. I have to endure it to bring back my freedom. It will hurt me, but I want to escape to my husband's chains.
Nakababa na ako sa fence at pinilit ang sarili na tumakbo pero hindi ko inaakala na may makakakita sa pagtakas ko. Nagtama ang tingin namin ng isang guard kaya hindi na ako huminto pa.
"Ma'am Eliza!" tawag nito sa akin pero mabilis akong tumakbo. Nanginginig ang mga tuhod ko at nararamdaman kong dumadapo ang mga sugat ko sa telang suot-suot ko. Mahapdi ito pero kailangan kong makaalis sa lugar na 'to.
Nasa labas na ako ng village at nakita ko ang humintong taxi sa gilid. Kaagad akong lumapit dito at sumakay sa loob.
"Ma'am, gagarahe na po ako--"
"Please, manong, ilayo mo ako dito. May humahabol sa akin," putol ko dito. Nataranta siya at napatingin sa rear-mirror na para bang may nakaagaw ng pansin niya. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang mga guwardiya na patakbo palapit sa taxi.

DU LIEST GERADE
Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)
RomantikA patricide issue made the Fontanilla family be the number one's most hot topic in the news and media, many reports and rumors are spreading that Vellity Eliza Fontanilla killed her father at the age of 18 that made her imprisoned for eight years. ...