Chapter 50

12.7K 387 258
                                        

Chapter 50: Immortal (trigger warning)


Saan na tayo pupunta, Eliza? 'Yon ang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kalangitan, mataas ang sikat ng araw at sinabayan pa ito ng simoy ng hangin na dumapo sa balat ko. Marahan akong nagpakawala ng isang malalim na hininga nang makalabas na ako sa bahay ko, sa bahay kung saan nagsimula lahat ng sakit.


I wish those bad memories would leave the house already because I want peace. I want to be free from the chains of my past.


What is your wish this time for your 27th birthday?


Walang nakakaalam ng kaarawan ko pero ayos lang 'yun dahil gagawin ko namang espesyal ang araw na 'to para sa sarili ko. Ako naman ngayon, sarili ko naman ang bibigyang kong pansin.


Nadagdagan na naman ang edad ko pero sa lahat ng kaarawan na dumaan ay masasabi kong ito ang pinaka espesyal sa lahat. Simula pagkabata ay hindi ako binabati ng mga magulang ko dahil para sa kanila ang araw na isinilang ako ay isang pagsisisi.


"Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya? Nagawa niya pang lumabas pagkatapos ng nangyare sa kanya, tss." Narinig kong chismisan ng mga tao nung makalabas ako ng bahay. Grabe sila manghusga, perpekto ba sila?


"Laspag na siguro talaga siya, ha! Wala pag-asang makapag-asawa 'yan!"


Hindi sila nakontento sa kung anong naging desisyon ng korte dahil hanggang ngayon ay panay pa rin sila pangungutya sa akin. Ang tanda na nila para mag-chismisan at dahil doon ay hindi sila umuunlad.


Of course, it hurts. Their words were like knives stabbing me straight to the heart. Nakakatuwang isipin na kahit ako ang naging biktima ay ako pa rin ang masama sa paningin nila. Hindi yata natanggal ang pagiging ignorante nila.


Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na sa loob ng kotse. Balak kong pumunta sa center para bisitahin si Mama at dala-dala ko ang paborito niyang pagkain na hopia.


Binuksan ko naman ang radio habang nagmamaneho at hindi ko napigilang ngumiti nang marinig ko ang pangalang binanggit ng radio personality.


"Attorney Mordecai Cimmerian Fallian, naipanalo na naman ang kaso ng human trafficking," the radio personality said, and that made my smile bigger. One month has passed since the last time I saw Morde, and I miss him already.


I hope you will be better in the future, Morde.


Pinakinggan ko lang ang komento ng radio personality tungkol sa kanya at masaya ako dahil patuloy pa rin siya sa pagbigay hustisya sa mga taong naging biktima ng kasamaan.


I'm so proud of him. I know I'm a little bit timid in showing my affection to him, but deep inside, his love was filling my soul, giving me the best feeling that I couldn't even imagine. His love never falters. It became my light to conquer my fears. Because of him, I grew and found myself.


Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa center at binitbit ko naman ang mga pagkain na dala ko papasok sa loob.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Where stories live. Discover now