AIRPORT

170 3 0
                                    

Gjordz pov

Nagising na lamang si Gjordz nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong dinampot at binasa ang txt.

"Tol 8:30am daw practice natin sabi ni coach" txt ni Iago.

"Alam ko. Wag kang ma late tol" reply naman niya.

Dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa CR. Agad siyang naghubad at tinungo ang shower. Maganda ang hubog ng katawan nito dahil na rin sa sport niya ay swimming samahan pa ng gym lalong gumanda ang katawan nito. Maputi at makinis na balat, mapupulang labi, taas ng tindig at malaki ang hinaharap😊😊(char lang).

Tapos maligo ay nagtooth brush siya at nagbihis. Paalis na siya ng condo unit niya nang tumawag ang papa niya.

"Nak anong gusto mong gift sa graduation?" saad ng papa niya.

"Kahit ano nalang po. Wala naman akong hinihingi sa inyo" sambit niya.

"Okay anak. Ako na ang bahala" saad naman nito.

Dumeritso na siya sa kanyang sasakyan at di naglaon narating na niya ang skol. Naabutan niya ang mga kasamahang nakabihis ng pang swimming pati si lago din na naka smile pa nang makita siya.

"Tol bihis ka na at practice na tayo" sabi ni lago. Tinanguan lang siya nito. Nag makapagbihis ay dumeritso na siya sa pool. Kina-usap sila ng coach nila na galingan daw nila para manalo sila sa competition bukas kaya todo insayo sila ngayon.

Mga 2pm na nang pinauwi na sila para maghanda  sa tournament kinabukasan at yun nga, sa todo ng insayo nila ay nanalo sila sa competition. Kinongratulate sila ng coach nila pati mga prof nila sa pagkapanalo nila at binigyan sila ng mataas na marka.

Dumating ang graduation day at ang hindi niya inaasahang regalo ng kanyang ama ay isa pa lang plane tickit papuntang Japan. Hindi magkumayaw sa tuwa si Gjordz at buong higpit niyang niyakap ang kanyang ama.

"Papa salamat sa gift mo. Sa wakas makikita ko na din ang Mount Fuji na matagal ko nang pangarap puntahan." aniya ni Gjordz.

"Walang anuman anak. Basta mag-ingat ka sa biyahe mo kung may problema ka tumawag ka lang" sabi ng ama niya.

"Opo papa" nasambit niya.

Kinahanihan ay naghanda siya ng mga dadalhin niya pati mga ilang gamit niya at inilagay niya sa maliit na maleta. Konti lang dinala niya at doon na daw siya bibili ng ibang mga gamit. Nagpahinga na siya pagkatapos.

Nagising nalang siya sa tunog ng alarm niya ng 5am. Agad naman niyang tinungo ang CR para makaligo na agad. Excited kasi siya. Nag taxi nalang siya papunta sa airport ayaw niya kasing abalahin ang ama sa paghatid sa kanya. Nang makarating na siya sa airport agad pumasok na siya at binati ang guard. Pinakita niya ang passport at ID niya at umupo muna sa bench. Maya-maya ay tinawag na ang mga passengers na papunta ng Japan at pumila na siya. Papasok na sana siya ng mapansin niyang wala sa kanya ang passport niya. Agad niya itong binalikan sa bench pero wala na ito.

SEATHRUN'S pov

Nagmamadalimg bumangon at tumungo sa CR para makapaligo. Pagkabihis ay dali dali siyang lumabas at sumakay mg taxi para hindi siya maiwan sa biyahe. Magbabakasyon muna siya sa Japan para makapag-isip-isip dahil gusto siyang ipakasal ng pamilya niya sa kasosyo ng family business nila na ayaw naman niya. Maganda naman ang babae, sexy, maputi at sobrang kinis dahil mayaman nga ito pero para sa kanya may kulang. Una niyang kita rito ay wala siyang nararamdaman. Walng spark kumbaga. Kaya gusto niya munang makapag-isip ng walang iisturbo sa kanya kaya napagpasyahan niyang magbakasyon muna.

Noong nasa loob na siya ng airport ay may nakita siyang isang passport sa bench. Agad niya iyong kinuha at tinignan. Wala nang tao sa upuan kaya tinignan niya ito kung sino ang nagmamay-ari. Ang nakasulat na pangalan ay Gjordz Miranda. Tinignan niya ang picture nito. Napahanga siya dahil sa itsura nito. Napakagwapo nito. Makinis na mukha, maputi at matangos ang ilong. Hindi niya malaman kung ano o pano pero parang may nararardaman siya rito. Yun nga siguro yung paghanga pero para sa kanya imposible yun dahil hindi naman siya bakla pero parang may kakaiba siyang nararamdamn sa lalaki na nasa picture. Agad niya itong hinanap at sa ilang sandali pa ay nakita niya itong nakaupo sa isang bench. Nilapitan niya ito. Namg makita niya ito ay parang naluluha na mangiuak ngiyak dahil sa pagkawala ng passport niya.

"Hi. I think nahulog mo'to" saad ni Seathrun sabay abot sa passport.

"Hi. Sa akin nga ito. Maraming salamat kuya. Kanina ko pa kasi ito hinanap. Akala ko hindi ko na makikita ito. Salamat talaga kuya" sambit ni Gjordz.

"Okay lang. Walang anuman. Seathrun nga pala. Tsaka wag mo akong tawag kuya ilang taon lang naman ang tanda ko sayo"sabay lahad sa kamay niya.

"Okay Seathrun. Gjordz nga pala. Maraming salamat talaga at nakita mo'to. Kala ko di ana ako matutuloy sa Japan dahil dito" saad naman niya.

"Tamang-tama dahil dun din punta ko. Tara. Sabay na tayo" saad ni Seathrun. Sabay na sila pumila at sa di inaasahan ay magkatabi pa sila ng upuan. Si Gjordz sa may malapit sa bintana tsaka si Seathrun naman ay sa gitna at silang dalawa lang ang nakaupo doon.


#unang story ko po ito at sana magustuhan ninyo. Maraming salamat po😊😊😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pangarap Ko Ang Ibigin KaWhere stories live. Discover now