PROLOGUE

33 12 4
                                    

[•TIGIL NA•]

Last subject namin ngayon at si sir Lorenzano, ang maloko at ma-issue naming teacher, ang last naming teacher.

Tinamad siyang magturo kaya nakipag-kwentuhan nalang siya saamin. Go lang din naman kami kasi nakakatamad din ang weather.

"Oh, ano 'yang ginagawa niyo Del Fuego? Ang tahimik niyo masiyado diyan." pansin ni sir kila Hiro, ang lalaking gusto ko at hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko 'yon.

"Baka idino-drawing si Sariego sir." sabat ni Fuentes at nagtawanan sila kaya naman napangiti ako.

"Oh anong meron? Mukhang may hindi ako nalalaman a." ako naman ngayon ang pinag-tuunan ng pansin ni sir. "Oh Sariego, may gusto ka ba rito kay Del Fuego?"

Hindi ko ugaling hindi sumagot kapag nagtatanong ang ibang tao kung sino ang gusto ko kaya naman tumango ako. Napuno ng asaran at hiyawan ang room kaya naman nagdiwang lalo ang kalooban ko.

Matapos ang ilang minuto na pakikipag-kwentuhan sa'min ni sir, agad na naglabasan ang mga kaklase ko dahil may event. Ako naman ay saglit na nagpaiwan dahil masiyado pang mainit. Hindi naman kasi required lahat na pumunta sa court e.

Akala ko ay walang babalik pero nagulat ako nang makita si Hiro.

"Oh, may nakalimutan ka?" nakangiti kong tanong. Hindi ito sumagot bagkus ay seryoso itong naglakad palapit sa'kin.

'Hala? Bakit niya ako nilalapitan? Magcoconfess na ba siya?'

Kinilig ako sa naisip ko pero nanatili akong kalmado. Kung gaano ako kabilis na sumaya kanina ay ganun din kabilis bumaliktad ang emosyon ko.

"Next time, don't be too confident telling people that you like me 'cause you know what? I don't like you, naiintindihan mo?"

I was starstrucked by what he said. Hindi agad ako nakapagsalita. Aaminin ko, I was hurt. Any minute now, baka umiyak na ako pero nanatili akong nakangiti. Sasagot na sana ako pero may sunod pa siyang sinabi na tuluyang nagpadurog sa puso ko.

"And as far as I know, alam mong gusto ko ang kaibigan mo pero ipinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa'kin. Stop hurting yourself. You're making yourself pathetic."

Pagkasabi niya nun ay umalis na agad siya sa harapan ko.

Gusto kong umiyak ng mga oras na yun pero hindi pwede. Baka magtaka sila pagbalik.

Isang luha ang pumatak mula sa mata ko pero agad ko iyong pinunasan.

"I know that stupid. Hindi mo na kailangang ipamukha pa sa'kin na hindi mo ako gusto. Ang sama mo Hiro. Ang sama sama mo." Mahinang bulong ko.

Hindi ko naman kasalanang gustuhin ka. Hindi ko kontrolado ang feelings ko kaya pasensya ka na.

Simula sa araw na 'to, I'll stop liking you.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ruthless LoveWhere stories live. Discover now