Randomantic

43 1 0
                                    

Naupo ako sa katabi ng salamin. Matagal tagal na din simula nung huling tambay ko sa isang coffee shop. Ang dami na kasing nagbago ngayon, hindi tulad noon na tila bang hawak ko ang lahat ng oras sa mundo.

Sinimsim ko ang kape ko bago ko ito inumin at muling tumingin sa highway sa labas. Wala paring nagbago, madami paring estudyante ang naglalakad sa paligid, madami pa ring mga sasakyan ang dumadaan, walang nagbago sa Taft maliban nalang siguro sa pakiramdam na wala na akong nakikitang pamilyar na mukha na dumadaan, lumipas na yung mga masasayang oras namin dito.

Muli pa akong tumitig sa abalang lugar ng Taft at inalala ang nakaraan. Makalipas siguro ang ilang minuto ay kinuha ko na din ang tablet ko at tumingin sa mga sinumiting report saakin ng mga empleyado ko at titignan ko na din ang email ko dahil hinihintay akong proposal ngayon mula sa isang prospect na investor.

Hindi naman ganoon kalaki ang negosyo ko, sa katunayan nga nyan ay nagsisimula palang kami, swerte lang talaga na nag click sa consumers ang produkto namin kaya may mga nahanap na din akong ng mga gustong mag invest sa business ko.

"Excuse me" rinig kong tawag saakin pero hindi ko nilingon baka kasi hindi ako ang tinawatawag kaya nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa tablet ko.

"Excuse me miss" napa angat na ako ng tingin kasi nakita ko na papalapit sya saakin.

Pagkatingin ko sa mukha nya ay parang nahihiya sya. Baka siguro makikishare to saakin ng upuan pero lumingon ako sa paligid ay marami pang bakanteng upuan.

Muli akong tumingin sa kanya.

"Yes, anong kailangan mo?" Mahinahon kong sabi sa kanya. Nginitian nya naman ako kaya lalong naningkit ang mga chinito nyang mata.

"Can I get your number?" Nagulat ako sa sinabi nya at hindi kaagad naka imik. Never pa akong nakaencounter ng isang estrangherong may lakas ng loob na makuha ang number ko.

Tinignan ko syang mabuti at sa palagay ko ay parehas ang unibersidad na pinasukan namin at katulad lang sya sa mga typikal na lalake sa unibersidad na pinag aralan ko. White shirt, cargo shorts, backpack at cap, pati pananamit ay parehas.

"If I could flip this bottle you will give me your number" May kumpyansa nyang sabi saakin at lumayo ng kaunti habang ako ay nakatingin parin sa kanya.

Ano ba ang tumatakbo sa isip nito? Bored siguro to ngayon.

Hinagis nya yung bote pero hindi nya ito napatayo. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sobrang confident pa sya kanina pero hindi nya naman magawa.

"Practice lang, ito totoo na talaga" sabi nya sa conyo nyang boses. Muli nyang binato yung bote at sa muli hindi nya na naman nagawang mapatayo nito.

"Third time is a charm" sabi nya saakin at nginitian pa ako. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko at mapailing ng kaunti. Ngayon buong atensyon ko ay nasa kanya na. Pinagsiklop ko ang mga braso ko sa dibdib ko at tinignan syang mabuti.

Hinagis nya ng muli yung bote pero katulad lang ng kanina ay hindi nya ito napatayo. Napakamot nalang sya sa ulo nya at handa ng umalis sa harapan ko.

Aaminin ko napatawa nya ako sa mga pinag gagawa nya kahit napapahiya na sya sa harapan ko.

"Can I try?" Sabi ko sa kanya at lumiwanag naman ang mukha nya at binigay saakin ang bote ng mineral water.

"Pag napatayo ko to you'll give me your name" ngumisi naman sya. Binato ko na yung bote at napatayo ko ito. A smirk formed with my lips.

"And you are?"

"Thomas, Thomas Torres 5th year accountancy from La Salle." Napatawa naman ako sa sinabi nya dahil kaunti nalang ay pati sched at section nya ay ibibigay din nya.

"Thomas, thank you for making me smile. I wish you well sa pag-aaral mo." Sabi ko at nginitian ko sya.

"So, can I get your number na?" Hopeful nyang sabi then flashes his smile but to no avail. Muli akong napangiti sa sinabi nya.

"Maybe if you flip that bottle right I would. Smooth moves thou pero better luck next time Thomas. Have a good day."

0031 081420

Hi new account, new story.

Hayyy sobrang lungkot ko talaga nung hindi ko na mabuksan yung main account ko, hindi ko na alam kung anong nangyare.

Sana safe kayo sa nakakalokang pandemic na 'to.

Love, Johanna

Never Ending PossibilitiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu