Hirap paniwalaan na tayo'y hiwalay na,
Dahil inuna ang parangap kaya nawala.
Ako'y umalis muna patungo sa ibang bansa
akala ako pa tayo ang hantungan, pero iba.
Tinatangap ko na lahat kung ika'y wala na
ang nais ko lang ay maging masaya ka
kahit di na ako ang dahilan ng ligaya
tinatanggap ko kahit sobrang sakit na.
Kahit akoy nasa eroplano, mata koy nakadungaw
inisip mga ngiti at kahit ang layo na matanaw
kung ayos paba ang iyong kalagayan
at kung meron pabang masayang karanasan.
Pero isang araw, tumawag ako sa kakilala
ikaw daw ay nag hihirap at nag dudusa
dumating na daw sa punto na walang makain
pati na rin ang iyong magulang na sakitin,
ngunit may nakilala ka raw na tao
siya ang dahilan kung bakit nabuo,
tumulong siya sa iyong pagbangon
pero ika'y nahulog sa kanya, di matatangi iyon.
Kaya ng ika'y inalok na magpakasal, hindi agad nagatubili
agad kang sumagot, agad nag oo, sino ba naman hindi
at kahit masakit man isipin dahil di mo napaglaban
marahil baka ito ang dapat sulat sating kapalaran.
Subalit sa aking dinadamdam, pumunta parin ako
kahit na lulungkot dahil ako dapat ng kasama mo
patungo sa altar pero nandito ako sumusuporta sayo
Kaya salamat sa oras at akoy babalik na rin, mahal ko.
VOUS LISEZ
Himpapawid
PoésieLaro ng kapalaran, hindi inisahan Laro ng panahon, hindi sang-ayon. Magkasintahan na pinilit maghiwalay Sa kapalarang di inakalang ibinigay. Inuna ko ang pangarap at buhay sa ibang bansa, Nangakong babalika ang mutya Subalit iba ang kapalit, kundi...