PROLOGUE

233 6 1
                                    


June 29, 2019

Nakahiga at nakatulala lang ako sa kisame. Ano ba pwede kong gawin? Ang boring. Makikinig na nga lang ako ng music sa Spotify, wala na talaga akong magawa.

"Unti- unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan huwag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi?
Labis na pagdurusa,
Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka"

Bakit gano'n? Bakit ang sakit ng kanta? Sino ba kumanta nito? Ano title?

Di ko namalayang tumulo na 'yong luha ko. Gano'n ba ko nasaktan sa kanta? Broken lang ang peg? Well broken naman talaga ako hayssss.

Kinuha ko 'yong phone ko at tinanggal ko ang earphone na nakalagay sa tainga ko.
Umupo ako at hinanap ko ang title ng kantang narinig ko. Ano title nun? Bakit di ko mahanap? Nakakainis naman. Badtrip!

*Someone's calling*

Sino na naman kaya 'to?

"Hello"

"Tin, musta?"

"Klio? OMG ikaw musta na? okay lang ako" Ang tagal ko ng hindi nakakausap si Klio, she's my friend since highschool pa pati sina Jasmine, Arlene at Nicole at pag kasama ko sila puro kalokohan lang naiisip namin. Sobrang saya kasama ni Klio at talagang mauubos tawa mo na parang wala ng bukas.

"Okay lang din, Tin may ipapakilala ako sa'yo"

"Boyfriend mo? OMG babae ka na? Hala! sobrang saya ko para sa'yo" Pagkakaalam ko bisexual 'tong babaitang 'to, highschool palang alam na alam ko na. Kilos niya palang eh. Actually parehas kami medyo panlalaki ang kilos, medyo maangas pero ako straight ako noh.

"Gaga ka! hindi ah."

"Ay hindi ba? 'kala ko may boyfriend ka na, kaloka ka"

"Meet tayo bukas? ano arat?" Well nakakamiss 'tong babaeng 'to kaya di na ko magdalawang-isip.

"Arat! sa'n ba?"

------------------------------
June 30, 2019

"Tagal naman ng babaeng 'yon" bulong ko sa sarili ko. Nabobored na 'ko ah ang tagal.
Di man lang niya sinasagot 'yong tawag ko nakakaloka. So andito ako ngayon sa SM North but exactly nandito ako sa Cha Tuk Chak. Waiting for her while drinking milktea. Nahaysss one.

"Tinnnnn!!!" grabeng sigaw 'yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tinnnnn!!!" grabeng sigaw 'yan. Ngayon nalang kasi kami nagkita nito eh. Galing kasi ako sa Los Angeles doon kasi ako nag-aral nang college. Iniwan ko silang apat dito sa Pinas pero ang pangit naman ng experience ko dun sa LA.

"Shhhh ang ingay neto nakakahiya ka. HAHA!" Nagyakapan kami at talagang di mawala ang ngiti sa mga mukha namin.

"Bakit di mo man lang sinabi sa'min na nandito ka na sa Pinas ha? Kung hindi ka nagmyday ng sunset sa tapat ng bahay niyo hindi ko malalamang nasa Pinas ka na!" Alam na alam niya talagang nasa bahay na ako. Tuwing hapon kasi sa tapat ng bahay lumulubog ang araw kaya ang ganda talaga lagi. Nakakapeace of mind. Anuedw?

"Sorry na, gusto ko kasi munang ienjoy yung alone moment ko parang gusto ko lang mapag-isa"

"Ahhh alone moment? So gusto mong mapag-isa ha? Dami mo namang alam" Sabay duro sa noo ko. Kaloka 'tong babaeng 'to ah grabe 'yon ah.

"Sakit ah"

"Kailan ka pa dumating ha?"

"Last week" tipid kong sagot.

"Last week??! tapos wala ka pang balak sabihin samin? ha?" biglang taray. Di na tlga nagbago 'tong babaeng to ganun pa din ugali.

"Anong balita kila Jaz? sa'n si Nics? si Leng?"

"May trabaho sila, Di pa nila alam na nasa Pinas ka so kailan mo balak sabihin?"

"Edi puntahan natin mamaya"

"Okay sige." tumayo siya sa kinauupuan niya para umorder ng maiinom niya.

Pagkabalik niya sa upuan bigla kong naalala 'yong itatanong ko sakanya."Sino pala ipapakilala mo ha?"

"Ayy oo nga pala, kasi may nakilala akong bagong grupo at grabe ang popogi nila" Sobrang lawak ng ngiti nya abot hanggang langit.

"Ahh kilala ko na 'yan BTS noh? alam mo naman ayaw ko sa mga ganyan eh" Ako 'yong taong di fangirling wala talaga akong time sa mga ganyan. Kilala ko lang sila pero wala akong time para sa gano'n.

"Hindiiiii, PPOP group sila"

"Ppop? o tapos?"

"You should know them, Stan them worth it lahat I promise" Highschool palang sobrang fangirl na si Klio pati sina Jaz, Nics at Leng ako lang talaga ang naiiba sakanila. Kaya no'ng highschool nagconcert dito ang ONE DIRECTION at inimpluwensyahan lang nila 'ko pinilit nila akong sumama sa concert na 'yon. Kaya simula no'n naadik na rin ako sakanila sobrang nabaliw kaming lima sa 1D.

"Nako Klio ayan ka na naman eh, ayoko alam mong ayaw ko sa ganyang bagay wala akong oras para sakanila okay?"

Nilabas niya 'yong phone niya at may pinakita siyang mga pictures sa'kin. Pictures ng mga lalaking di ko mawari kung sino.

"Ito sila Tin oh, ampogi diba?" kinikilig ang bruha kala mo naman nakita niya na in person.

"Nakita mo na ba 'yan ha?" bigla siyang nanahimik. HAHA so hindi pa nga grabe tlga 'tong babaeng 'to.

"Hindi pa, pero makakapunta rin ako sa mga event nila pinapangako ko 'yan"

"At kailan naman aber?"

"Basta, di ko alam"

"Sikat na ba sila?" tanong ko sakanya.

"Hindi masyado pero darating 'yong araw na makikilala sila sa buong mundo"

"Ano bang name ng grupo nila?" biglang lumawak ngiti ni Klio napapa-isip na siya na baka interesado ako. Pero big NO NO pa din.

"SB19".

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Forbidden (SB19 Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon