9th scene Karma Shoot You

12K 386 3
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

The next day na pumasok kami ng school ay pinag uusapan at pinag titinginan kami tungkol sa nangyare kahapon. Naiilang tuloy ako dahil sa mga titig nilang iyon sa amin.

"Siya yun oh."

"Siya yung nag patumba sa mga Plastics?"

"Balita ko mag isa lang daw niyang napatumba sina Angel."

"Nako! Di nanaman nila tatantanan yang mga yan."

"Kawawa naman sila."

"Kasalanan mo ito, Kara." Pag tutulak ko sa kanya ng nakalagpas na kami sa mga tsismosa at tsismosong mga estudyante.

"Anong ginawa ko?" Pa inosente pa niyang sagot sa akin.

"Kung hindi dahil sa ginawa mo kahapon hindi tayo pag tsitsismisan ngayon." Pag papaalala ko sa kanya sa nangyare kahapon na gulo.

"Malay ko bang magiging hot topic ito sa buong school."

Napahinga nalang ako ng malalim sa sinabe niya. Pumasok kami sa classroom at uupo na sana ng makita naming vandalized at sira na ang mga upuan namin. Tawang tawa naman yung mga Plastics.

Nag kibit balikat nalang ako dahil alam ko naman na sila ang may gawa nito. Tinignan ko si Kara na walang epekto ang ginawa nila sa upuan namin. Gawain niya din kasi sa Japan ang manira ng upuan kaya walang effect sa kanya ang ganitong gawain. Though Karma is a bad ass since para atang kami ang nabubully dito.

Kinuha ko ang upuan ng isa sa mga Plastics para sa kabayaran na ginawa nila sa upuan namin. Akala ba nila mag mumukha kaming kawawa at tatayo nalang na parang hindi alam ang gagawin. Ang daming upuan jan na puwedeng ipalit sa sinira nila.

"HEY! That's my seat." Galit na sigaw niya dito.

"May nakalagay ka bang pangalan dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yan yung upuan niyo oh." Itinuro niya ang upuan na sinira nila.

"May nakalagay ba kaming pangalan sa upuan para masabe mong upuan ko iyan?" Tanong ko uli sa kanya.

"Kahit na. Your assigned seat are right there at ang upuan na yan ay anjan. So, that's your seat."

Binuhat ko naman yung upuang nasira at tinapon malapit sa kanila na ikinabalandra nila paatras. "Wala na yung upuan na sinasabe mong upuan ko. Now can I replace mine from a more decent one."

Napangisi naman si Kara sa ginawa ko. "Ano ka?" Sagot pa niya dito.

"Ano bang nangyayare dito?" Pagpasok ni Angel na nakacross arms pa.

"Nagtatanong ka. Sure naman akong alam mo ang ginawa ng mga kaibigan mong plastics."

Tumingin si Angel ng masama kay Kara.

"Ano?" Pang hahamon pa niya dito.

"Umupo ka nalang." Sagot ko kay Kara na hinila ang damit niya nang makakuha din ako ng bagong upuan. Uli ay tinapon ko malapit sa kanila ang upuan na sira.

"ANO BA? MAKAKASAKIT KA SA GINAGAWA MO EH." Sigaw sa akin nung Janine.

"Kung ayaw niyo kasing mag backfire yang mga pang aasar niyo. Make sure na yung di makakasakit ng ibang tao. Pasalamat ka nga di kita inasinta." Sagot ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin kaya tumayo din ako sa upuan ko and faced her before she comes near me.

"What?" Mahina pero may bigat na tanong ang tinanong ko sa kanya. Umatras naman siya agad sa ginawa ko. Ang aga-aga pinapataas nila ang blood pressure ko. Mandadamay pa sila eh si Kara lang naman ang kaaway nila.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now