13th Scene Kuya Caleb

12.6K 466 5
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Kuya k-kasi ganto yan eh." Sh*t anong sasabihin ko.

"A-ako p-po" sh*t tumigil ka Ace.

"K-kuya siya yung s-sumagip kay Kara dun sa mga lalaking nanakit kay Kara." Sabay tingin kay Ace. "Diba Ace" Ngitngit kong sabe sa kanya para patahimikin siya. Honesty is nice and everything but this is not the right time for him to be honest.

"T-totoo po yun" Dagdag din ni Izzy na naka halata na rin sa wakas.

"Jenny." Matigas na tawag niya sa akin.

"Kuya." Sagot ko naman.

"Wag na wag kang ------"

"Bat ba ang ingay ingay dito?" Tanong nang isang babae na kalalabas lang sa Emergency Room at naka wheel chair pa ito.

"Wag kang mag sasabe nang totoo. Kung ayaw niyong patayin kayo ng kapatid ni Kara." Bulong ko kay Ace at lumapit na kay Kara.

"Kara. Okay ka na ba?" Tanong ko dito sa kanya.

"O-okay na ko." Sabay tingin sa mga taong nakatayo malapit sa akin. Bigla namang kumunot ang noo nito at parang galit na nag salita. "Anong ginagawa nang mga yan dito?" Tanong nito sa akin.

"Kara d-diba sila ang nag punta sayo dito sa ospital sila ang nag ligtas sayo sa mga goons dun sa street" sabe ko dito habang tinuturo sa dulo si Kuya Caleb.

Nagulat naman ito nung nakita niya ang Kuya niya.

"Kuya Caleb" gulat na tawag nito sa kapatid niya.

"Aka-chan daijoubu desu ka?" Tanong nito kay Kara.

"Patay na ba ako? Kinukuha mo na ba ako Kuya? Wag muna please marami pa akong gustong gawin sa buhay." Natatawa naman ako dahil kahit na nasaktan na siya ay nagawa parin niyang asarin si Kuya Caleb.

Tinulak naman ni Kuya Caleb pababa yung ulo ni Kara. "Ulol. Gagawin mo pa akong si San Pedro" ngiti nito sa kapatid niya.

"Aray ah." Sabay hawak ni Kara sa sugat niya. "May sugat ako, oh." Puna nito sa kapatid.

"Sorry" hingi niya nang paumanhin kay Kara.

"Ano ba kasing nangyare? Sino ba yung mga gagong gumawa niyan? Bat di ka lumaban?" Sunod sunod na tanong ni Kuya Caleb. Patay! pag sinabe ni Kara ang totoo. Patay talaga sina Ace.

"Aray." Sabay hawak ni Kara sa ulo niya. "Biglang sumakit yung ulo ko."

I smiles. The way I see it ay umaarte si Kara. Kilala ko na to pag inuuto ang mga kapatid niya eh. She knows what his brother is capable off kaya nanahimik na lang ako.

"Ang ingay ingay mo kasi. Pwede shhh." Nakisale narin ako sa pag arte ng matahimik sa pagtatanong si Kuya Caleb.

"Sinisi niyo pa talaga akong dalawa." Nalilito niyang sagot sa amin. "San ba masakit?"

"Why don't you go take her to his room Caleb. Kakausapin ko lang yung doctor," sabe naman ni Okaasan. Galing nang combination naming tatlo talagang dapat kaming bigyan ng award hehehehe.

"Okay! San ba ang room niya?" Tanong pa niya.

"Ahhmm we already got a room ready for her it's in room 501. I'll come with you alam ko kung san yun" Naks si Izzy dumada moves sa kapatid ni Kara.

"Thanks" maikli lang na sabe ni Kuya at inumpisahan na niyang itulak ang wheel chair ni Kara pero bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. "Hindi ka ba sasama?" Tanong nito sa akin

"Ahh susunod na ko. Ihahatid ko lang sila. Tapos mag papalit pa ko ng damit" matapos niyang marinig ang sinabe ko ay umalis din sila agad nila Kara.

Nang makalayo na sila ay humarap ako sa apat na natira sa harapan ko. "Umalis na kayo" pag papalayas ko sa kanila.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now