ONE SHOT

0 0 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, , and incidents are either the product of Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Prim Heilyn's Pov.

"Kagalang galang na Empress, andito lang ako sa tabi mo, hindi kita ipagkakanulo sa kalaban nating imperyo. Ako at ang asawa mo lang ang nakakaalam ng iyong pinagtataguan." sambit ni Ina, siya ang tinuring kong Ina magmula ng pakasalan ko ang Emperador ng kanilang Imperyo.

"Maraming salamat, Ina." sambit ko habang binubuksan ang sulat na nang galing sa aking asawa.

"Walang anuman." sambit niya ng nakangiti.

"Teka Ina, sigurado po ba kayong galing ang sulat na ito sa aking asawa?" nagtatakang tanong ko

"Opo kagalang galang na Empress, siya mismo ang nag abot sa'kin niyan kanina nung natutulog ka pa lamang." sambit niya

Naguguluhan parin ako, dahil ang sabi sa sulat ay makipag kita ako sakaniya sa aming tagpuan. Ngunit alam naman niyang hindi ako maaaring lumabas ng aking pinagtataguan dahil ako'y pinaghahanap na ng aming kalaban.

"Ina, hindi ko po maunawaan." mahinang sambit ko kaya nama'y lumapit si Ina at binasa ang sulat

"Kagalang galang na Empress, hindi po kaya'y ang asawa niyo ang manlilinlang sainyo?" sambit ni Ina na siya namang nagpagulat sakin. Namuo ang galit sa pagkatao ko sapagkat alam kong hindi ito magagawa ng asawa ko.

"Pinagbibintangan mo ba ang Emperador ng emperyong kinabibilangan mo?" galit kong tanong

"Hindi sa ganon kagalang galang na Empress, ngunit nababatid kong ipagpapalit ka ng iyong asawa sa Prinsesa ng kalaban nating imperyo, batid kong matagal niya nang natitipuhan iyon." sambit niya na para bang may nakikitang pangitain sa sulat ng aking asawa.

"Hindi ko magawang maniwala, Ina. Napakabait ng aking asawa, hindi niya ako sinasaktan at sabay naming ipinaglalaban ang imperyong aming kinabibilangan." sambit ko

"Kung ganon, sasamahan kita sa inyong tagpuan." sambit ni Ina

"H'wag na kayo mangahas na sumunod sa'kin dahil kapag nagkataon ay masisira ang aking plano." sambit ko

Dumating ang itinakdang oras ng aking pinakamamahal na Asawa para sa aming pagkikita, natapos ko ang orasyon na aking gagamitin.

Naglalakad ako kasama ang isang alipin na nautusan niya na sumundo sa'kin.

Prim Thyle's Pov.

[Prim Thyle, Emperor of Prim Empire and the husband of Prim Heilyn]

Kanina pa'ko nakatitig sa isang binibining magiging premyo sa kamatayan ng asawa ko. Nandito kami ngayon sa tagpuan namin ng aking asawa. Ito rin ang lugar na makakasaksi sa aking kataksilan sa aking asawa.

Nang matanawan namin si Heilyn ay agad siyang dinakip ng mga alipin na kanina ay nagtatago sa paligid.

Nagulat siya sa mga nangyayari, nagulat siyang ako pa na asawa niya ang magtataksil sakaniya. Kailangan siyang hatulan ng kamatayan dahil napatay niya ang isa sa anak ng Emperador ng Imperyong Han na dati naming sabay na nilalabanan ngunit pagpasensyahan man ako ng langit ay nahulog ang aking loob sa Prinsesa ng Imperyong Han na siyang ibibigay sakin ng Hari, ngunit ang kapalit ay buhay ng aking asawa.

Pagpatak ng luha niya ay tila ba nagbago ang lahat, kakaiba na ang pagsigaw niya ngunit hindi niya nalalabanan ang mga alipin. Lumapit ang Emperador ng Han ngunit lumuhod ito sakaniya at tinawag siyang Ama. Nagmakaawa ang aking asawa sa harap ng Emperador habang tinatawag itong Ama. Kahit naguguluhan ay hinatulan parin siya ng kamatayan. Di ko magawang lingunin dahil ako na asawa niya ang nagtaksil sakaniya.

Maya maya lang ay namatay na ang aking asawa, punong puno ng awa ang aking nadama, nang makitang lasog lasog na ang kaniyang katawan. Natuwa naman ang hari sa'kin at dahil ang kapalit ay ang Prinsesa ng kaniyang Imperyo, ipinagkaloob niya sa'kin ang napakagandang prinsesa na pinili ko kesa ang buhay ng Asawa ko.

Author's Pov.

Naglakad ang prinsesa palapit sa Emperador na si Prim Thyle marahil siya ang kapalit sa buhay ni Prim Heilyn.

Inilahad ng Emperador ang kaniyang kamay para sa pagtanggap sa Prinsesa.

"Ano ang iyong pangalan mahal na prinsesa?" tanong ng Emperador at hinalikan ang kaniyang kamay

Napangisi ang prinsesa at nagpakilala "Ikinalulugod kong makilala ka, ako ang iyong asawa, kailangan ko pa bang magpakilala?" tanong ng prinsesa na nagpagulat sa mukha ni Thyle

"P-paanong nangyari ito?" naguguluhan at natatakot na tanong ni Thyle

"Nakakalimutan mo na ba ang isang katangi tangi at kagilagilalas na aking kapangyarihan?" nakangising sambit ng prinsesa

"Ako si Prim Heilyn, ang pinagtaksilan ng aking sariling asawa kapalit ang prinsesa ng imperyong aking kalaban." sambit ng prinsesa na ang kaluluwa at espiritu ay si Heilyn na, at naglakad papalayo mula sa lalaking pinagkatiwalaan niya na ngayon ay kinamumuhian niya.

'Etong prinsesang 'to ang pinili mo, kahit kapalit ang buhay ko.' sambit ni Prim Heilyn sa kaniyang isipan.

End..

Magical Palace✔ [One Shot]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang