ISOLATED EMOTION

4 0 0
                                    

Under WP Treasure Files Production

   Alas tres ng madaling araw ng magising ang dalagita mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa lakas ng sigawan ng dalawang tao mula sa labas ng kanyang kwarto.

   Nanatili lang siyang nakahiga at wala sa sariling napahigpit ang kapit sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan.

  'Lagi nalang bang ganito? Hanggang kelan ba sila mag aayos?'

     Tanong ng dalagita sa kanyang isip, bago niya tinakpan ang tenga at pilit na baliwalain ang mga sigawan mula sa labas hanggang sa nakatulogan na niya ito.

Pagkalipas ng ilang taon.

"Angel! Ginabi ka na naman sa pag-uwi! Lagi ka nalang ganyan ah!"

    Napahinto sa dahan dahang pag akyat ang dalaga ng marinig ang pag bulyaw ng kanyang ina, ginabi kasi siya sa pag uwi dahil sa pag gawa ng proyekto. Napatampal nalamang siya sa noo at ngumiti saka sapilitang humarap dito.

"M-ma, kanina po kasi ay----"

"At sa tingin mo maniniwala ako sa isasagot mo? Nagmana ka nga talaga sa tatay mong sira ulo at puro nalang rason! Mag madali ka at pumunta sa kwarto! Bago pa kita banatan"

   Unti-unting napalitan ang kaninang malawak na pag kangiti ay napalitan ng blangkong emosyon habang nakatingin sa ina.

"Oh! Ano pang tiningin tingin mo dyan?!"

"Hindi mo muna ba tatanungin kung saan ako galing twing ginagabi, Ma?!"

   Sayang diniinan niya ng pagkakabanggit ang huling salita dahil hindi na ito napigilan ang sarili na magtanong pabalik sa ina.

"At talagang bibigyan mo ng dahilan ang palagian mong pag uwi ng malapit madaling araw na? Sa tingin angel, sino ang niloloko mo ha?"

    Mapaklang napatawa nalang si angel saka tumalikod at pilit na ngumiti bago tumalikod at umakyat sa kanyang kwarto.

'Para saan nga ba ang paliwanag kung hindi ka manlang papakinggan' Paghihimutok niya ngunit sa isip lamang.

   Padabog siyang pumasok sa kwarto at sumalpak sa kama.
  
    Naghahalo ang inis at lungkot ang kanyang nararamdaman, wala naman siyang ibang magawa maliban sa magdamag na pag iyak.

  Sinusubukan niya namang intindihan ang mga ito ngunit masyado ng masakit ang pambabalewala sa kanya.

     Sagana nga sila sa pera ngunit salat naman sa pagmamahal.

Little by little she developed anxiety, kasi nga natatakot na siyang magsalita at mag share kung anong ganap sa kanyang buhay.

There's no use anyway dahil naka focus lang ang kaniyang mga magulang sa issue nilang mag asawa,

love affair;

paglalasing;

pagiging iresponsable

at kung ano ano pang mga bagay na walang katuturan.

Kinaumagahan.....

"Mabuti naman at umuwi kapa kade? Aba, akala ko nakakalimutan mong andito ang bahay at pamilya mo? Hindi doon sa kabilang bayan, ano bang ginawa niyo dun sa kerida mo ha? Shopping?"

'Ayoko na ng ganito, sawang sawa na ako, araw-araw nalang puro bangayan naririnig ko, ne hindi na ako makapag focus sa pag aaral ko eh' sa isip ni angel.

Walang kibong bumaba si angel sa kusina ngunit bago paman ay napatigil na siya ng may mabasag na vase sa harapan niya, kasabay nang pagtalsik ng bubog na tumarak sa kanyang kanang paa.
   
  Kitang kita niya kung pano umagos ang dugo rito, kung tutuusin masakit iyon, ngunit ang mas masakit sa kanya ay ang katotohanang tila walang nakakita at naririnig lang ng mga magulang ay ang tanging galit nila sa isa't isa.

Isolated EmotionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant