YOU'RE MY LUCKY CHARM

4 2 0
                                    


"Buntis ka?!" Tanong sa'kin ni Mama na hindi ko masagot sagot
"Tyfanie Rey!!" Bulyaw naman ni Dad na ikinapikit ko ng mariin
"Umamin ka nga sa'min Tyfanie, buntis ka ba ha?" Pumipiyok ang boses na tinanong ako ni Mommy

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanila

"Mom, Dad. Sorry, p-patawarin niyo po ako" Naluluha kong usal, oo buntis ako at hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring 'yon
"You're such a disgrace! Ano na lang ang masasabi ng mga co-clients ko ha! Na ang anak ni Mr Conde ay isang disgrasiyada. Gusto mo bang malugi at bumagsak ang kompanya natin? Hindi ka talaga nag-iisip!" Sumbat naman ni Daddy

Oo na, ako na ang may mali. Kasalanan ko na-hindi ko naman inaasahan na mangyayari ang bagay na 'yon eh.

"Abort the baby-" Simpleng utos ni Dad na ikinatingin ko ng diretso sa kanya
"No! Ayokong ipa abort ang batang 'to. Wala siyang kinalaman dito Dad! Ako lang at si Andre lang ang may kasalanan dito, walang kinalaman ang anak namin dito!!" Tutol ko

Kahit ano mang gawin nila hindi ko ipapa abort ang batang nasa sinapupunan ko. Ayokong maging makasalanan sa mata ng diyos at sa mga mata ng taong nakapaligid sa'kin

"So ang Andre na 'yon ang nakabuntis sa'yo? Sa tingin mo ba maitataguyod niya ng maayos ang responsibilidad niya sa'yo? Hindi Tyfanie Rey! Mga bata pa kayo, hindi niyo kayang buhayin ang batang iyan and I tell you mahirap magpalaki ng sanggol" Bulalas naman ni Mama

Hindi ako nakasagot

Somehow, may point naman si Mama. Nakita ko kasi sa iba kung paano buhayin ang anak na walang tumutulong na iba. So I decided to go to Andre and sort some uncleared things to end this effin' situation.

"Hey babe, what are you doing here?" Tanong sa'kin ni Andre pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kanilang bahay

"Can I stay and sleep here just for tonight?" Tugon ko na kinapalan na talaga ang aking mukha
Kahit boyfriend ko si Andre, may hiya pa din ako sa aking sarili

"Sure, you can stay here as long as you want..." Pagsang-ayon nito at pinapasok ako
Balak ko sanang sabihin sa kanya na buntis ako pero natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang anak ko

"Babe, may problema ba?" Tanong ni Andre sa'kin ng makahiga siya sa kama katabi ko
"Wala naman. Pagod lang siguro ito" Pagdadahilan ko

"You can sleep now. Baka sa muscle pain mo 'yan" Palatak ni Andre at kinumutan ako
Speaking of muscle pain-isa din 'to sa mga signs na wala akong gana kasi masakit ang aking braso, balakang, at hita.

Kung alam ko lang na makakasakit sa mga kalamnan ko ang ginawa namin sa P.E edi sana hindi na ako sumali pa

It's been one month from now on since I found out that I was two weeks pregnant. Doon ko nalaman na hindi na ako nagkaroon ng monthly period, and that I became more suspicious na baka nga buntis ako. At hindi nga ako nagkamali I figured it out when I frequently saw the pregnancy test that I used.

Two red lines-means positive
I thought having no one month menstruation is normal but it's not. I discovered na lately pa ako nagkaroon ng early signs sa pagbubuntis; kada umaga nagsusuka ako may hinahanap ako na gusto kong kainin at marami pang iba.

"Babe, gising nandito ang parents mo" Yugyog sa'kin ni Andre na ikinapitlag ko
"Ha?" Naaalimpungutan kong sabi
"Your parents are here they were looking for you-" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Andre

I'm one hundred percent sure na galit na galit sila ngayon sa aking pag-alis
"What time is it?"
"It's already 1:30, early in the morning" Sagot nito
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at kinusot kusot ang aking mga mata

The Great Fiction Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon