BILIN NI LOLA

6 2 0
                                    


SI Lola Gloria ay isang daan at sampung taon gulang na, kahit matanda na siya malakas pa din ang kanyang pandinig at nakakakita pa siya ng malinaw.

Palagi siyang nagkukwento sa'min ng mga bagay bagay na mahirap paniwalaan. Katulad ng may kasama daw siya sa bahay niya na hindi daw katulad natin

"Mga apo, h'wag kayong magtatakbo takbo baka may masira kayo diyan—" Mahigpit na bilin ni Lola Gloria sa'min
"Opo, Lola!" Sigaw naman naming lima at nagpatuloy sa paglalaro

At dahil nga sa matigas ang mga ulo namin, nakasira kami ng isang bagay na sigurado akong ikagagalit ni Lola

"Anong nangyayari dito? Jemela?!" Nagmamadaling pumasok si Lola sa kwarto kung saan nandoon kaming lahat

"Jemela, ano 'to?" Tanong ni Lola sa'kin at inisa-isa kaming tiningnan
"Lola, sorry k-kasi—"
"Ang plorera ko!" Sabay luhod ni Lola at inisang-isang pinulot ang nabasag na lumang plorera

"Lola, sorry po—"
"Diba sinabi ko sa inyo na h'wag kayong magtatakbo takbo?! Pero ang tigas ng ulo niyo!" Galit na saad ni Lola at patuloy pa rin sa pagpulot ng mga bubog

Nakayuko akong lumabas at ganoon din ang mga pinsan ko. Mahigit sampung taon na din akong hindi nakapagbakasyon sa probinsiya ni Lola, at dahil sa matanda na siya madalas na kaming nagpupunta dito ng mga pinsan ko para bantayan siya

Nang matapos na akong makapaghain ng hapunan ay isa-isa kong tinawag ang mga pinsan ko at ng makumpleto na silang lahat ay sinindihan ko ang nag-iisang kandila bago puntahan si Lola sa balkonahe.

Malayo sa lungsod ang bahay ni Lola, nagtaka nga ako ng gayon ay wala na si Lolo gusto niya pa ding tumira sa bahay na ito kahit na nag-iisa na lang siya. Pinilit naman siya nila Mama at Papa na sumama na sa amin na manirahan sa siyudad pero ayaw niya

Palagi ko ngang naiisip na anong meron sa lumang bahay na ito at hindi ito maiwan iwan ni Lola. Siguro ay marami siyang magagandang ala-ala na mahirap kalimutan

"La, handa na po ang hapunan—" Nakatayo sa may bandang pintuan na tinawag ko ang atensiyon ni Lola

Hindi siya sumagot

Nakatingin lang si Lola Gloria sa madilim na kakahuyan at parang malalim ang iniisip, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

"Hayaan mo La, papalitan ko na lang 'yung nabasag naming plorera. Pasok na po tayo—" At nilapitan si Lola na nakaupo sa lumang luma na, na rocking chair

"Kahit h'wag na apo. Hindi niyo naman siguro sinadyang masagi ang plorera ko diba?" Malumanay na tanong ni Lola sa'kin
"Pagpasensiyahan niyo na po talaga kami Lola ah. Namiss lang po kasi namin na maglaro sa bahay niyo...." Sagot ko naman

"Halika ka nga dito apo ko—" Tawag sa'kin ni Lola na kinamayan pa ako

Lumapit naman ako sa kanya at inilagay ang kandila sa kahoy na barandilya, dahil sa wala ngang upuan ay napagpasiyahan kong umupo sa maalikabok na sahig at medyo paharap na ipinuwesto ang sarili.

"Alam mo ba apo na mas matanda pa sa'kin ang bahay na ito?" Pagkukwento ni Lola na ikinalunok ko ng laway, kaya pala iba ang nararamdaman ko sa bahay na ito

"Talaga Lola? Gaano katanda?" Namamanghang usal ko at ilang beses ikinurap ang mga mata

"Kasing tanda ng Lolo mo—" Agarang sagot ni Lola na ikinasalubong ng dalawa kong kilay
"Po? Hindi ko maintindihan...."

"Itong bahay na ito ay pinatayo pa noong 1800 at hihigit sa dalawang daan at dalawampung taon' gulang na ito" Panimula ni Lola

"Noong bata pa lang ako ay nakita ko na itong nakatayo sa kinatatayuan nito ngayon, sobrang ganda ng bahay na ito dati kumpara sa ngayon—kaya nahihirapan akong iwan ito at kalimutan" Pagpapahayag ulit ni Lola Gloria

The Great Fiction Stories (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora