WHEN NEGATION STRIKES

2 2 0
                                    


AKO  si Hannielyn, but you can call me Hannie for short. Twenty two years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang sales lady sa Mall

Hindi sa pagmamayabang, maganda talaga ako. Way back in 2013 grade ten ako no'n marami ng nanligaw sa akin kasi maganda nga ako—inuulit ko hindi sa PAGMAMAYABANG maganda talaga ako

Sa edad na kinse anyos ay marami na akong naging ex, ewan ko pero madali lang talaga akong mabore sa isang tao

And this situation happen, nag grade eleven na ako. I meet Ivan sa katunayan kasamahan ko siya sa school dahil member din siya bilang representative sa paaralan namin

In the first place pa lang talaga ay hindi ko na siya gusto. Masyado kasi siyang nagpapacute sa'kin at 'yun ang pinaka ayaw ko sa kanya

"Ahm, hi ako nga pala si Ivan. Ikaw anong pangalan mo?" Nangingiting tanong sa'kin ni Ivan
Tiningnan ko naman siya at hindi ko maiwasang hagodin siya ng tingin mula ulo hanggang paa

"Hannie—" Sagot ko naman at umayos ng upo
Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang nakalahad na kamay dahil hindi ko iyon tinanggap para sa isang handshake

Ang tipo ko sa mga lalaki is 'yung gwapo, matangkad, maputi, athlete, at higit sa lahat matalino. Pero mukha talino lang ang meron kay Ivan

"Pwede bang makihiram ng libro mo," Todo ngiting tugon sa'kin ni Ivan
And as usual pinahiram ko din siya. Hindi ko sana gagawin 'yun ng maramdaman kong lahat ng tao sa library ay nakatingin sa amin

"Oy, Hannie! Kumustang moment niyo ni Ivan?" Tudyo ni Carla sa akin ng makita niya akong naglalakad sa gitna ng hallway
"Yuck Carla! H'wag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan niya—" Nandidiring usal ko

"Bakit naman, bagay naman kayo ah. Maganda ka at gwapo siya ano pa ba ang hinahanap mo sa lalaki Hannie?" Nangingiting tanong ni Carla sa'kin

Oo gwapo naman si Ivan pero hindi ko talaga siya gusto. Mataba kasi siya as in sobrang taba niya tapos pawisin, sino ba namang matinong babae na magkakagusto sa kanya eh sa panlabas lang  naman na anyo ang pag-uusapan ay tiklop na siya

"Ang arte mo naman girl! Pero sabagay may point ka din naman sa sinabi mo..." Palatak ni Carla at sumabay na sa akin pumasok sa room

Bigla kong nakalimutan na magkaklase pala kami ni Ivan and the worst of all, katabi ko pa siya. Ayoko sana eh pero 'yun na ang arrangement ng seat namin

"Oy! Seatmate pala kita?" Parang masayang bata na asik ni Ivan sa'kin
"Oo nga eh—" Sagot ko naman at inirapan siya

Bahala na kung ano ang sasabihin niya patungkol sa'kin basta wala akong paki-alam

Lumipas pa nga ang ilang buwan ay tuluyan na nga talaga akong nakipagpalit ng upuan sa kaklase kong si Jolene. Isa siyang probinsiyana at medyo may pagkaburara pagdating sa pananamit

Para siyang nanay na may isang dosenang anak dahil mukha siyang losyang. Hindi din kamahalan ang mga gamit niya 'di katulad ng sa'min pero doon naman niya binawi sa pagiging matalino

"Hoy girl, bakit ka nakipagpalit ng seat kay Jolene! Ano ka ba, sayang 'yun si Ivan oh! Maaagawan ka—" Pagtutulak sa'kin ni Carla ng umupo ako sa tabi niya

"Eh, bakit ba? Ayoko naman siyang katabi tsaka mas bagay naman sila ni Jolene!" Sagot ko sa sinabi ni Carla at inismiran siya

"Like duh! I know na hindi mo siya gusto at kulang na lang na isumpa mo siya dahil nandidiri ka sa kanya. What now? Bakit ka nakipagpalit? Okay na sana 'yung gawin mo siyang study buddy." Litanya nito

Study buddy? Ba't di ko kaagad naisip 'yun

"Nandito na ako. At ayoko ng bumalik doon baka mag assume pa 'yang tabatsoy na 'yan at mabaliw pa sa kagandahan ko" Confident kong sagot at umayos ng upo

The Great Fiction Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon