E-01

6 0 0
                                    

Dear Diary,

Anong nangyari?

Nasaan na silang lahat?! Bakit ako nalang andito?! Bakit walang tao sa siyudad?! Inubduct na ba sila ng Aliens?! Kinain na ba sila ng zombies?! Nagkatotoo ba yung Train to Busan?! Nagkatotoo kaya ang The Walking Dead?! Sumugod na ba ang UFO?! WTF! Nasaan silang lahat?

Prank ba to? Kasi kung prank ito, grabe successful, grabe effort ha! Pinalipat amg buong tao sa ibang lugar. Wow! Hanep! Ang galing! Parang alkansya ko lang walang kalaman kungbaga sila ang pera at ako ang alikabok. Mga uror wala kayong mapapala kung pagtritripan nyo ako.

Seriously, natataranta na ako, di ko alam kung anong gagawn ko.

Hindi ko alam kung mababaliw lang ba ako o patay na ako, pero kung ganon nasaan ba ako? Nasa Langit? Impyerno? Purgatoryo? Argh! Di ko alam!

Ang alam ko lang nasa isang city ako na walang katao-tao, nasa city ako na ako lang ang magisa,Magisa lang ako sa BUONG LUGAR. Kung saan saan na ako napadpad nasa halos tatlong oras na akong naglalakad ang wierd ng suot ko ah nakakalurkey nagmumukha akong chipipay.

Pero wala talaga akong nakasalubong kahit isang tao. Kahit anino manlang oh.

Nagtangka akong pumasok sa mga bahay bahay kanina pero wala talaga una kinatokkatok ko pa pero wala sa isang bahay anlakas ng pagkakakatok ko sinipa sipa ko na pero wala sumuway sakin.

Nassan ba ako? Bakit walang tao? Pero ang pinaka tanong... BAKIT SILA NAWAWALA?!  SAAN SILA NAPUNTA?!

Ayokong mabaliw kaya ninakaw ko ang diary sa isang store ang napagdiskitahan ko. Tutal mahilig naman ako magsulat ay dito ko nalang ibubuhos ang dinadamdam ko.

I need a diary. I need to tell everything. By the way, before everytging else, magpapakilala muna ako.

I am Kleire.
I don't know how old I am.
I don't know why I'm here.
I don't know why I'm still alive
I don't know why I'm alone.

Naguguluhan ako!

Ano ba ang nagyayari?

The loner,
Kleire

Ps. Nagugutom ako, wala akong pera, kumuha muna kaya ako sa 24/7 pramis babayaran ko to pag andito na sila mama at papa!




KLEIREWhere stories live. Discover now