Deib: "Taguro... Iiwan mo ko?"
Max: "Oo"
Deib: "Hindi mo na ko babalikan? Babe, hindi mo na ako babalikan, babe?"
Max: "Hindi"
Deib: "Babe.."
Max: "Wag mo kong lapitan"
Deib: "Taguro, wag naman ganito oh? Diba mahal mo ko? Wag ka naman magdesisyon agad ng ganiyan"
Max: "Ang kapal ng mukha mo. Akala ko naramdaman ko na yong pinakamasakit na pwedeng maramdaman ng isang tao pero hindi, kasi ansakit-sakit nung ginawa mo."
Deib: "Taguro.. Hindi ko sinasadya!"
Max: "At hindi ko naman inaasahan. Ang laki ng tiwala ko sa'yo at yon mismo ang pinanghahawakan ko Deib. Yon mismo. Yon na lang pero... yon mismo ang sinira mo."
Deib: "Gagawin ko lahat, babe, babe, babe. Babe, gagawin ko lahat please? please? Sorry kung nasaktan kita, babe? please? wag mo kong iiwan. please."
Max: "Hindi porket ilang beses na akong nasaktan ay gagawin mo sakin yon ng paulit-ulit. Malakas man ako sa paningin mo, hindi ibig sabihin nun ay karapat-dapat akong masaktan ng ganito."
Deib: "Taguro, mahal kita please.. Wag mo kong iwan. Wag hiwalay babe, wag hiwalay. Mahal kita, Maxpein."
Max: "Mahal din kita, pero hindi kita sinaktan ng ganito Deib."
Deib: "Babe..."
Max: "Please wag mo muna akong sundan? Hayaan mo na muna ako. Gusto ko munang mahalin ang sarili ko kahit sa gabi lang na to. Naubos ako masyado sayo."
-Hope you enjoy it.
YOU ARE READING
He's Into Her Season 3 Lines
FanfictionThese are my collections of He's Into Her Season 3 Lines. -Hope you enjoy it.