ALPHA - 05.

49 5 1
                                    

ALPHA - 05.

Sa pagmamaneho ni Alpha ay narating niya ang apartment building kung saan nakatira si Yhena. Sa may di-kalayuan ay may daan doon papunta sa open field area. Doon siya dumiretso.

"Manong, pakihinto," sabi ni Yhena nang makita ang kotse'ng sinakyan ni Alpha.

Nang makapagbayad ay kaagad na umalis ang taxi. Ang malawak na daanang iyon ay naging tahimik at malamig. Sa may kalayuan ay naroon si Alpha, naglalakad patungo sa open field area.

May nakita siyang duyan, naupo siya sa isa na naroon. Napapikit siya.

"Alpha!" sigaw ni Yhena.

Napamulat siya, at nagulat dahil nasa harapan niya ito.

"Hmm, bakit?" tanong niya.

Walang kasingganda ang kaniyang boses, ika nga ni Yhena.

Umupo siya sa katabing duyan. "Uhm, 'yung mga sinabi ni Aya.."

"Hmm?"

"H-Hindi 'yon totoo. Ginu-good time ka lang no'n." Hindi man lang lumingon si Yhena kay Alpha nang sabihin iyon. Nasa malayo ang kaniyang paningin.

"Ah, gano'n? Muntik na nga akong maniwala e." Natawa si Alpha sabay lingon kay Yhena na nakatingin pa rin sa malayo. "'Yung totoo?"

"Wala talaga akong bago simula noong maghiwalay tayo," pahina nang pahinang aniya at tuluyang nagbaba ng tingin.

Bumuntong-hininga si Alpha. "Hindi pa pala ako nakakapag-sorry. 'Yung maayos at sinserong sorry," mapait na aniya. "How stupid am I.."

Hindi nagsalita si Yhena, kaya muling nagsalita si Alpha. "Yhena, I can say naman na kahit naghiwalay tayo ay mukhang okay na okay ka.."

"Hindi rin. Isang buwan ko ring iniyakan 'yung time na nakipaghiwalay ka sa'kin. Ano pa bang magagawa ko? Mahal kita, at mahal mo ako. Pero mas mahal at importante sa iyo ang iyong pangarap," aniya sabay angat ng tingin. "Nagparaya ako para sa atin. At tingnan mo nga naman, mukhang nagbunga ang lahat ng pagsisikap mo. Nagbunga ang pagsisikap ninyo bilang isang grupo. Masaya ako, lalo na't nagkita tayong muli."

"I-I'm really, really, really sorry, Yhena. Kung pwede ko lang ibalik 'yung panahong tayo pa," mahinang ani Alpha, ang boses ay may bahid ng kalungkutan at panghihinayang. "Kaso.."

"Kaso?"

"Kaso hindi ko na alam kung may nararamdaman ka pa sa akin."

"Alpha," aniya sabay hawak sa kaniyang kamay. "Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi kailanman nagbago ang aking nararamdaman para sa'yo?"

Nagugulat man ay naglakas-loob si Alpha na muling hawakan ang kamay ni Yhena. Muling nagkahawak ang kanilang kamay.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" Nagtatakang pinakiramdaman ni Alpha si Yhena. "Teka, nilalamig ka na ba?"

"Medyo, hehe."

"Siya tara sa kotse." Tumayo si Alpha sabay alalay kay Yhena na makapasok sa loob ng kotse.

"Salamat."

Nang makapasok na si Alpha sa loob ay binuksan niya ang heater.

"Sigurado ka ba sa sinabi mo Yhena?" tanong niya, ang mga mata'y nagsisimulang magningning dahil sa tuwa.

"Alin?"

"'Yung kailanman ay hindi nagbago ang nararamdaman mo para sa akin.." nangingiting aniya. "Totoo ba 'yon?"

One Series: The Dream (1st One + Gift)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant