Chapter 1

5.1K 122 22
                                    

After Midnight
Chapter 1
By: mharl

"Will you change your religious beliefs to marry the person you love?" The judge asked at agad ko namang kinuha ang Microphone

"You can't change things by loving them harder and I dont really believe that love do exist so why do i bother?" Deretso kong sagot sa mga judge at agad na bumalik sa pwesto ko

I am now part of top 5 at isang himala nalang kung ako ang mananalo, yung mga kalaban ko mga trasgender samantalang ako ito pa pills pills lang pero masasabi ko namang mas maganda ako sa kanila, mas sexy lang sila because they been to an operation

"And the third runner up is..." pag aanounce ng Host habang itinututok pa ang mic sa mga tao

"Candidate number 6" dismayado akong nakangiti at agad na pumunta sa gitna, iniabot saakin ang cash prize na 5k at ang isang boquet ng bulaklak at ang isang maliit na korona at nagpalakpakan ang mga tao

---------------------

Naglalakad na ako papauwi habang dala dala ko sa isang malaking bag ang lahat ng ginamit ko, yeah wala akong kasama pauwi, kaya lang naman ako sumali sa pageant para matustusan ang mga pangangailangan ko at makapagbayad ng npa sa sarili kong bahay

Weird right? Binabayaran ko ang paninirahan ko sa sarili kong bahay how funny

Agad na akong pumasok sa gate ng bahay namin at naabutan ko si titang nagbibilang ng pera, sahod na nya ata ngayon

"Magandang gabi tita" saad ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin at humithit lang sa yosi nya

Ganto ang set up namin lagi, kung wala syang kailangan walang pansinan

"Tita ito po pala yung bayad ko sa upa ngayong month" bigkas ko sa kanya at iniabot ang 1500 na pera, hindi ko alam kung papaano pag kakasyahin ang pera ko, madami akong bayaran sa school at ilan nalang ang pera ko

"Asan yung tubong 200? Delay ka ng bayad diba?" Bigkas nya habang inilalahad ang kamay nya saakin

"Ah tita kasi may babayaran pa po ako sa school kaya kailangan ko po ng p-" nagulat nalang ako ng bigla akong batuhin ni tita ng baso

"Wala akong pake, kung hindi mo kayang bayaran huminto ka sa pag aaral" saad nya saakin

Pikit mata kong ibinigay kay tita ang 200 na ipapambayad ko sana sa group project namin

Bahala na gagawan ko nalang ng paraan bukas, sana lang ay magbayad si Lannie saakin.

"Anjan ka na pala anong oras na" saad saakin ni violet habang may dala dala ang isang timba na punong puno ng labahan

"Labhan mo to, kailangan ko to bukas eh" at iniabot saakin ang mga labahan

"Ah pwede ba bukas ko nalang labhan, napagod kasi ako kanina" pakiusap ko sa kanya ngunit pinantaasan nya lang ako ng kilay

Ibinaba ko na ang mga labahan at agad na humakbang papaakyat sa kwarto ko

"Saan ka pupunta?" Tanong nya saakin

"Magbibihis lang para makapaglaba na" saad ko naman sa kanya, narinig ko pa na nagusap sila ng nanay nya pero hindi ko nalang pinakinggan para matapos na agad akong maglaba

Nagbihis na ako at agad na tinaggal ang mga pekeng make up na nabili ko lang sa palengke.

Kumain muna ako at agad na bumaba upang maglaba, wala na akong naabutan sa baba dahil baka natulog na silang dalawa dahil 12:30 nadin naman na ng gabi

Agad akong naghanap ng sabon at agad na nagumpisang maglaba, hindi na ako gumamit ng washing at baka magising sila at isubsob ulit ang mukha ko sa bowl mainitin pa naman ang mga ulo ng mga yun

After MidnightOnde histórias criam vida. Descubra agora