20th Scene Ano ka ngayon!

13.7K 439 33
                                    

~~~~~SHADOW's POV~~~~~

Pumayag naman si Nanay na makasama kami sa iisang bubung pero may condisyon siyang gusto niyang gawin. Ayaw niya daw itigil ang ginagawa niya bilang janitor sa skwelahan dahil baka daw may matulungan pa daw siyang mga katulad namin. At may naiisip na ko kung sino ang magiging susunod na tutulungan niya.

"Nako Nanay para atang tumanda kana ah?" Tuwang tuwa naman ang mga ulol na nakikipag skype kay Nanay ngayon. Halos isang linggo narin naming kasama si Nanay at ang apo niyang sampung taong gulong na.

"Ikaw rin hanggang ngayon di ka parin nagbabago. Napaka bwesit mo parin" sakay naman ni Nay sa mga kaulolan niya.

Nag kamot namn siya at parang napahiya. "Ikaw naman Nay sila sabe mo ang dami na nilang pinag bago. Pero ako ganun parin." Tamporurot lang.

"Hoy Night para ka nanamang ewan jan." Sabat ko na dito.

"Hoy Shadow wag kang mange alam dito." Banat niya sa akin. "At ikaw Nay nakakatampo ka na ah" ungas talaga to.

"Hindi ka naman mabiro. Sige na may pinag bago ka na rin kahit konti." Asar pa niya sa kanya.

"Nay kamusta naman na kayo." Singit naman nang isa sa kanila. Si Cloud na ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti.

"Heto okay naman. Salamat nga sa isang to at ngayon ay maayos ayos na ang buhay namin nang apo ko. Akalain mong naka kakain na kami nang lechon na baboy."

"Nako nag papalakas lang yan. Kasi siya yung lagi niyong pinapagalitan noon." Singit ulit ni Night.

"Hoy anong ako. Ikaw kaya lagi niyang pinapagalitan. Ang tanga tanga mo kasi." Tatawa tawa ko pa. Ang sarap tuloy balikan ang nakaraan noon.

"Ikaw Cloud kamusta ka naman?" Tugon ko sa kanya simula kasi nung namatay ang pangalawa niyang anak na si Faith ay naging malungkutin na ito pag nag uusap kami.

Huminga naman siya nang malalim at ngumiti sa akin. "Eto kahit papano ay ayos naman na ako."

"Malalampasan mo rin yan iho. Wag kang mawalan nang pag asa." nako naman si Nanay wala paring kakupas kupas kahit hindi niya alam ang nangyare eh full support parin siya sa amin.

Ngumiti naman siya bahagya at parang maiiyak na. "Hoy Cloud pag umiyak ka ngayon sisiguraduhin kong papatayin ko tong loptop." Banta ko sa kanya. Ayaw ko kasi siyang maging emotional mas maaawa lang kami. Sa amin paman ding apat at siya ang pinaka emotional.

Ngumiti naman siya at sinamaan niya ako nang tingin. "Ikaw naman. Ngayon nga lang namin naka usap si Nanay papatayan mo pa kami sa pag uusap."

"Wag ka muna kasing emo." Tugon naman nang asawa kong dumating na din.

"Hi! Nerdy." Tawag nila sa asawa ko. Kaya itong isa naman ay napa simangot na.

"Heh. Nerdy kayo jan." Inis na sabe niya sa mga kaibigan ko.

"Kayo naman. Ako lang dapat ang tumatawag niyan sa kanya. At hindi kayo." Usal ko pa sa mga kasama ko.

Ilang oras din kaming nag usap usap, binalikan namin ang lahat nang nakaraan hanggang sa naumay na kami at nag pa alaman na.

"Nay may gusto sana akong ipagawa sa inyo. Gayun din lang na ayaw niyong tumigil sa pag tratrabaho sa school." Paumpisa ko sa isang paki usap na alam kong siya lang ang makakagawa. Malaki ang tiwala ko kay Nanay na kaya niyang gawin ito.

"Ano naman yun?" Tanong niya sa akin.

"Yung mga anak po kasi ni Light nag aaral ngayon sa school. Gusto ko sana na kahit papano eh katulad nang ginawa niyo sa amin ay bantayan niyo din silang dalawa at alagaan. Isama niyo na rin po yung 4 Kings ng Boston kung kakayanin."

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now