21st Scene Mall time

12.3K 471 8
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Ang dami niyo namang pinamili" reklamo ni Reid habang hawak hawak yung mga pinamili namin ni Jen.

"Eh yung isang sales lady kasi sinungitan kami akala naman niya wala kaming pang bayad. Nakakawalang gana bumili ng mga gamit." Sagot ko naman dito.

"Kaya minata mo naman" masungit na sagot naman ni Ace sa amin.

"Hindi naman" pag tatanggol ko sa sarili ko.

"Bakit gagamitin mo ba lahat nang binili mo?" Tanong nito sa akin.

"Oo." Sagot ko dito.

"Kahit tong brief?"

'What? Akala ko ba tinanggal ni Ate sales lady yan?'

"Wala naman akong brief na binili" sagot ko dito na nagulat pa.

Nakita ko naman ang nilabas niya at nahinga ng malalim. Akala ko di tinanggal ni Ate Sales lady yung briefs na nakuha kanina. "Knickers kasi yan."  Pag e-educate ko sa kanya. "Gamit pangbabae yan, kaya puwed ba. Ibalik mo yan sa bag. Nakakahiya ka." Sita ko pa dito.

Binalik naman niya ang kinuha niya at medjo namula siya sa sinabe ko. "Sa susunod kung balak mong mang mata. Mas maganda nalang na pag sabihan mo. Hindi yung gastos ka nang gastos."

"Wow ah. Pag sabihan ba naman ako. Eh hindi mo naman pera yung ginastos ko."

"Bakit pera mo ba ginastos mo? Pera naman nang mga magulang mo." In-fairness may point siya. "Kung yung perang ginastos mo dito, binili mo nang pag kain at kumain ka, na busog ka pa at may malaking malaking extra pang natira."

"Ako ay may lobo,
lumipad sa langit
di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Pinangbili nang lobo
Kung sa pag kain sana NABUSOG PA AKO."

Inis ko namang tinignan si Reid at Ash na tuwang tuwa pa sa pang iinis sa akin. "Mang asar pa."

"Bakit?" Pa inosente effect pa tong gagong to.

Kaya hayan para namang na konsensya ako sa sinabe niya. "Okay. Wag mo na kong pagalitan. Gets ko na." Pa cute ko pa dito.

"Sa dami nang taong hindi kumakain. Ikaw gastos ka naman nang gastos." Pinagpatuloy parin niya ang paninita sa akin.

"Sabi na ngang gets ko na eh. Nag ka mali ako, tanggap ko. Kailangan ipalandakan? Try mo i-announce jan sa buong mall. Ayan oh." Masungit ko nang sagot. Tapos yung apat naman na kasama namin nag hahagikgikan sa likod namin. "Anong nakakatawa?" Inis ko pang tingin sa kanila.

"Para kasi kayong mag asawa sa asta niyong yan." sabe naman ni Rouge.

Bigla naman lumaki yung mata ko. "Hindi ah. Hindi kami bagay"

"Asawa agad" sabe naman ni Ace.

"Bagay kayo swear" sagot naman nung isa.

Masungit naman na tinignan ni Ace si Reid. "Hoy Reid. Tumigil ka. Hindi ka nakakatawa."

Nag pipigil naman yung apat nang tawa at nag bubungis ngisan sila. "Bahala kayo jan." Sabay talikod ko sa kanila. Kailangan ko makalayo dito. Nakakahiya sila.

"Kara shottō mattē" habul naman sa akin ni Jen. --->(Kara wait lang)

"Magsama sama kayong mag hagikgikan jan." Sabe ko nalang.

"Uy! pikon ka naman!" Sabay akbay pa sa akin ni Reid. Nakahabol pala ang mga walang hiya.

"Buti pa mag sine nalang tayo. Libre ko." Pag aakbay din sa akin ni Ash.

"Oo nga feel ko yung bagong palabas ngayon. Maganda ang review nila." Sagot din ni Rouge na naka akbay kay Jen. Eto namang si Jen halos hindi maipinta ang mukha.

My girl is a Mafia!!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum