ACE - 02.

28 3 1
                                    

ACE - 02.

"Minje-oppa! Teka, sino 'yang kasama mo---Wait, familiar ka, ah?" sabi ni Jia sabay lakad pababa ng hagdanan.

Nang makalabas sina Minje at Ace mula sa taxi at nang makapagbayad ay umalis na ito.

"He's Ace, leader of 1st.One," pagpapakilala ni Minje sa kaniya. "I'm sure you already know him and his group."

"Wait, nakakapag-Tagalog ka? Hi, kababayan!" nakangiting ani Ace.

"Oo, kababayan," natatawang ani Jia. "1st.One? Nag-debut na ba ang Pinoy group ng FirstOne Entertainment?"

"Oo, nag-debut na," sagot naman ng binata. "Nag-debut kami last July 31."

"Ah, halos dalawang buwan na pala kayo since debut," aniya. "Hindi na ako masyadong updated sa balita, e. Busy ako masyado sa pag-aaral at pag-wo-working-student."

"Ah, I guess you're an exchange student?"

"Yeah."

"And nagtatrabaho ka?"

"Kailangan e," aniya sabay lingon kay Minje. "Oppa, why he's here anyways?"

"He's here for one-week vacation. And maybe days after, his members will be here too." Lumingon sa kaniya si Minje.

"Ah, let's go inside. I need to talk to you."

"Sure." Nilingon ni Minje si Ace. "Come on, Ace. Let's go inside."

"Sure."

**

Nasa isang malaking practice room si Ace, nakasandal sa puting pader. Nakabukas ang lahat ng ilaw at ang kanilang debut song na "Ttak Maja Nuh" ay naka-play sa speakers.

He fished out his phone from his wallet na nasa kaniyang maleta, at binuksan iyon.

Mayamaya pa'y. . .

*KRING!!! KRING!!!*

~Jesper (J) calling. . .~

'Huh? Napatawag 'to?'

Sinagot niya ang tawag.

"Oh, J?"

"Bro, nasa Disneyland na kami ni Joker! Awieee, hahaha!"

Napangiti siya. "Ah, talaga? Video call naman diyan!"

"Oh sige bili!"

Ilang sandali ang lumipas. . .

"Hi Alas! Nasa Seoul ka na ba?" tanong ni Joker habang nakaway mula sa camera.

"Oo, nasa Entertainment ako ngayon," tugon ni Ace. "Kamusta kayo diyan? Nasa Mickey Mouse standee ba kayo?"

"Oo, tapos katabi ay 'yung malaking mascot ni Mickey," sabi ni J.

"May gulayan ba diyan?"

"Hahaha! Marami dito, 'no!" Natawa si J. "Papunta na rin daw sina Max at Marina dito!"

"Ah? E sina Jayson?"

"Wala pa akong balita kay Jayson," sabi ni Joker sabay palibot ng camera sa kabuuan ng kanilang kinatatayuan. "Ang ganda talaga dito. Ang saya!"

"Obvious naman, haha!"

"'Oy Alas, tinotoo nga ni Gift 'yung sinabi niya, hahaha! Tingnan mo 'yung story niya sa Instagram!" sabi ni J.

"Alin?"

"Bumili siya ng isang malaking plastic na puno ng pancit canton in different flavors! Saka isang box na puno ng masasarap na pancakes!" sabi ni Joker.

"Wow, talaga? Hahaha, hanep din si Regalo. Aba e umuwi na kayo bukas na bukas din!"

"Hahaha! Oo Alas, uuwi na kami bukas na bukas din! At susunod na rin kami diyan!" sabi ni J. "Sige na, mamaya na lang at may mascot parade ngayon."

"Sige sige, bye!" Nagkawayan ang tatlo sa camera.

'Nakakatuwa, enjoy na enjoy ang team PanTon. E si Alpha? Anyare na do'n?'

Dinial niya ang number ni Alpha.

"Hello?" Sinagot ni Alpha ang kaniyang tawag.

"Anyare na sa'yo?"

"Oh, Ace. Nasa school ako ngayon ni Yhena. Kasalukuyan siyang may klase ngayon."

"Ah, gano'n? Hindi ka ba nahahalata diyan?"

"Don't worry, hindi nila ako mahahalata. Saka may mata ako dito."

"Hmm, sige. Nasa Entertainment ako ngayon."

"Oo nga daw. Nakita mo Instagram story ni Gift? Hanep din ang isang 'yon."

"Oo, tama ka diyan."

"Sige na, ibababa ko na."

"Siya siya, usap na lang tayo ulit mamaya."

"Bye Alas."

"Bye Mister Wild, haha!"

**

Matapos ng ilang minutong pamamalagi sa practice room ay nagdesisyong lumabas si Ace, at napagawi siya sa hagdanan patungong third floor.

"Jia! Wait!"

"Jia, Jia!"

"Ddal!"

Nadatnan niya si Jia na mangiyak-ngiyak na natakbo palampas sa kaniya. Mabilis na sumunod sa kaniya ang isang lalaki na may pagka-edad kwarenta.

Sumunod naman si Minje, hindi maipinta ang kaniyang mukha. Sinundan niya ng tingin sina Jia at iyong lalaki.

Nagtataka man ay nagtanong kay Minje si Ace. "Hey, what's happening? B-Bakit siya umiiyak?"

"Is Jayson Lee dad's Lee Jaesuk?" tanong nito sa kaniya.

"Huh? I don't really know the name of Jayson's dad," pag-amin niya. "Then? Is that man Lee Jaesuk?"

"Yeah, and Jia just discovered that her dad is him, which is also Jayson's dad."

**

Hi, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends!

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/X/IG/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: sophiaeeeyahalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials:
Facebook: 1ST. ONE
Twitter: @1stoneOfficial
Instagram: @1st.oneofficial
TikTok: @1stoneofficial
YouTube: @1stOneOfficial (Entertainment channel: @FirstOneOfficial)

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon