ACE - 04.

35 3 1
                                    

ACE - 04.

"Jia?"

Nasa labas ng bahay si Jia, mag-isang nakatunghay sa magandang karagatan na nasa di-kalayuan.

Napalingon siya sa nagsalita.

"Ace?"

"Gusto mo ng hug?" nahihiya man ay iyon ang itinanong ng binata sa kaniya.

Nagugulat man ay napangiti si Jia. "Give me a hug, please?" Tumayo siya mula sa kinauupuan sabay parang bata na lumapit kay Ace at yumakap sa kaniya.

Buong-galak siyang niyakap ng binata, at hinayaan niyang lumuha ang dalaga. Nagulat man ay hinagod niya nang dahan-dahan ang likod niya sabay buntong-hininga.

Ganito kasi ang nangyari. . .

Magalak na inasahan ni Jia na matatanggap siya ng kaniyang mga kapatid, ngunit ito'y naging kabaliktaran ng mga nangyari kanina.

They didn't even hug her, or simply greeted her. Instead, they said shits and threats.

Nakapanlulumo, at nakasasama ng loob hindi lamang sa kaniya kundi na rin sa ama nila. Pareho kasi nilang inakala na nagiging maayos ang kanilang paghaharap-harap.

Paano kung si Jayson na mismo ang humarap sa kanila?

"Ang inaasahan ko ay matatanggap nila ako," humihikbing aniya habang nakayakap pa rin kay Ace. "Pero nagkamali pala ako."

"Shh, tahan na." Bumuntong-hininga ang binata. "Sigurado naman ako na kapag nakaharap mo na si Jayson ay paniguradong malugod ka niyang tatanggapin."

"Sure ka?" Jia looked up, seeing Ace's face being hitted by the moon's light.

"Oo naman." Nginitian siya ni Ace sabay hawak sa kaniyang balikat. "Okay ka na?"

"Salamat sa'yo, Ace. Ngayon lang tayo nakapag-usap nang g-ganito pero nakita mo ang pagiging parang bata ko." Natawa ang dalaga. "I hope you won't mind."

"Sus, okay lang. Kung ikaw ang leading lady sa isang drama, willing ako na maging leading man mo."

At imbis na maging biro ay pareho silang natahimik, at nagkatinginan sa mga mata.

*TUG! DUG!*

'Nakaka......gulat.' - Jia.

'Bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso?' - Ace.

Hindi nila alam na may nagawa silang ... unexpected.

Jia leaned in as well Ace, and they kissed. Sweet and romantic experience for the both of them.

**

Dumiretso sila sa Han River habang magkahawak-kamay.

(Author: Ah, how sweet~)

Pareho silang hindi makaimik, parehong namumula dahil sa nangyari kani-kanina lang.

Pareho nilang tinanaw ang ilog. Maraming ilaw na nasa may kalayuan na siyang nagbibigay kulay sa buong paligid. At mangilan-ngilan lamang ang mga taong naroon.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon