JAYSON - 02.

11 3 1
                                    

JAYSON - 02.

"Kuya, kasya ba ang maleta ko?" tanong ni Jayson nang makalapit sila sa tricycle.

"Oo naman. Ako bahala," sagot ng driver sabay tingin sa kaniya. "Teka??"

"Po?"

"Hindi ba't ikaw si Jayson Lee? 'Yung na-feature sa KMJS?" Tiningnan niyang maigi si Jayson, at napapalakpak na lamang nang mapagtantong siya nga. "Grabe, kay gwapo mo namang bata! Aba'y nakita ko ang mama mo kanina sa palengke."

"Talaga po? Nasa'n na siya ngayon?"

"Siguro nasa bahay na ninyo. Aba'y sumakay na kayo at nang makauwi na kayo."

"Sige po."

Habang nasa biyahe ay muling sumariwa sa kaniya ang mga panahong nanatili siya sa lugar na iyon, bago pa man niya nilisan iyon para sa kaniyang pangarap, at para na rin sa pagnanais na makita ang mga kapatid.

"Sa palagay ko'y na-miss mo ang lugar na ito," sabi ng driver nang mapansing panay ang lingon ni Jayson sa mga nadaraanan nila.

"Gano'n na nga po. Ilang taon din po e since nakabalik ako.."

"May trivia ako iho. Ang dami mong naging fans mula nang maging idol ka na. Kung sabagay, nag-improve ka sa lahat ng aspeto. Grabe, humahanga ako sa 'yo."

"Salamat po."

"Ngunit hindi ko inaasahan na babalik ka dito."

"May isang linggo po kasing binigay sa'min para magbakasyon para puntahan ang pamilya namin. Pero, isa at kalahating araw lang ang itatagal ko dito. Didiretso po kasi ako sa Korea para makita ang mga kapatid ko."

"Ah gano'n ba? Maikling panahon lang pala ang itatagal mo."

"Kaya nga po lulubusin na para kay mama."

"Wala pa rin talagang ipinagbago ang iyong pag-uugali. Gano'n pa rin. Isang magalang at marunong rumespeto."

"Gano'n naman po talaga ako. Saka, wala naman pong magandang maidudulot sa akin, sa amin, kung mag-iba ang aking pag-uugali. Saka, masyado po kaming marespeto at totoo sa isa't isa, kami po ng mga ka-grupo ko, na pamilya ko na rin."

"Ay, oo nga pala. Halata naman." Ngumiti ang tricycle driver. "Sino ba iyong pula ang buhok?"

"Ah.. si Ace po. Leader namin saka isa sa main vocalist ng group namin."

"Oh, nandito na pala tayo. Kay bilis naman." Huminto ang tricycle sa gilid ng daan.

May eskinita sa gilid, sa looban ay may mga bahay doon. At isa doon ang kila Jayson.

"Tara lods," anyaya ni Carlo nang maibaba ang maleta ni Jayson. "Ayun ang bahay namin. Nasa kabilang eskinita."

"Mauna ka na. Magkita na lang tayo mamaya," tugon ni Jayson sa kaniya.

"Sige. Ang saya ko talaga, lods."

"Halata naman. Siya sige na."

"Sige lods! Mamaya!" At kaagad na naglakad sa kabilang eskinita si Carlo.

'Ito na, haharapin ko na si mama.'

Katanghalian na rin ng mga oras na iyon, at abala ang kaeskinitahan sa paghahanda ng kanilang pananghalian.

Naglakad na siya papasok sa eskinitang iyon patungo sa kanilang bahay nang dahan-dahan.

"Kuya?"

Natigilan si Jayson sa paglalakad na napalingon sa bata. "K-Kuya!"

"Sinong kinakausap mo, Andoy??" Tinig iyon ng isang may edad nang babae ang lumabas mula sa isang bahay at natulala siya. "Wow! May artista!"

"Ha?"

"Sino?"

"Ah.."

'Kailangan kong makita agad si mama!'

"Si Jayson Lee!!!"

"Oh my! Nandito siya guys!"

Nagulat si Jayson nang dumugin siya ng mga taong naroon.

"Wow! Ang laki na ng pinagbago mo!"

"Ah hehe.." naiilang na tugon ni Jayson. "Kamusta po kayo?"

"Aba! Kita niyo na? Kinamusta ako ni idol!" proud na sabi ng maskuladong lalaki na mas matangkad pa kay Jayson. "Aba e ayos na ayos naman!"

"Ah, gano'n po ba.."

"Ang saya namin at bumalik ka," sabi ng isang nanay, nanay ng batang si Andoy. "Malaki ang ipinagbago mo."

"Ah, hehehe. Kailangan po e.."

"Nasa bahay niyo ang mama mo," sabi ng isang matandang babae na kararating lang. "Aba'y kay gwapo naman ng binatang ito!"

"Ah hehehe.. salamat po! Pupuntahan ko po muna si mama."

"Aba'y sige. Samahan kita."

"Salamat po."

Sa kabilang banda. . .

Ang Ina ni Jayson na kung tawagin ng iba bilang GingGing, ay katatapos lamang na magluto ng ulam.

At kasalukuyan siyang naglilinis ng lamesa. Biglang may kumatok sa pinto.

*TOK! TOK!*

"Sandali," sabi niya sabay lakad patungong pinto.

Nang bumukas. . .

"M-Ma!"

Nawalan ng malay ang ina ni Jayson.

"Ma! Ma, gising!"

**

Nakapagbihis at nakakain na't lahat si Jayson ngunit hindi pa rin nagising ang kaniyang mama.

"Matagal ka niyang hindi nakita iho," sabi sa kaniya ng matandang babae. "Marahil ay nabigla lang siya nang makita ka."

"Nag-aalala po ako," malungkot na sabi ni Jayson. "Biglaan talaga ang bakasyon na binigay sa amin. Imbis na siya ang ma-surprise ay ako yata ang nasorpresa."

"Hayaan mo't magigising rin ang mama mo, Nagkasabay pala kayo ni Carlo pauwi dito?"

"Ah, opo. Unexpected kasi 'yon. Isang araw lang po ang aking pamamalagi dito.."

"Ha, bakit?"

"Didiretso po kasi ako sa Korea." Nilingon ni Jayson ang kaniyang ina na nakapikit ang mga mata't nagpapahinga.

"Pupuntahan mo ang mga kapatid mo?"

"Opo."

"Sana'y gabayan ka ng Diyos sa iyong paghahanap doon, iho." Tumayo ang matandang babae sabay tapik sa balikat ni Jayson. "Mauuna na ako't may gagawin pa."

"Sige po. Ako na ang bahala dito," tugon niya at nginitian siya ng matandang babae.

**

Hi, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends!

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/X/IG/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: sophiaeeeyahalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials:
Facebook: 1ST. ONE
Twitter: @1stoneOfficial
Instagram: @1st.oneofficial
TikTok: @1stoneofficial
YouTube: @1stOneOfficial (Entertainment channel: @FirstOneOfficial)

One Series: The Dream (1st One + Gift)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें