Dear JHOP,

7 2 2
                                    

Reina's POV

This is a letter for you. Naglalaman ito ng mga gusto ko sanang sabihin at ipaalam sayo. Yung mga point of view ko mula nang makilala kita hanggang ngayon. Hope you read this one day, or not nakakahiya pala hahaha.. This letter is for one person onlyh pero for you ishashare ko na din. Tago lang ang pangalan ha let's just call him J.

August 14, 2015

     First day of classes, nang dumating ako sa school sinalubong ako ng mga kaibigan ko. First time kita naging kaklase neto kaya di pa kita kilala. Nakaupo ako sa bandang harapan mo hanggang sa nung magrerecess na pinakilala ka nung kaibigan ko na kaibigan mo din.

Ang weird ng name mo nung pinakilala ka sakin. Hindi ko pa magbigkas bigkas noon.

Unang tingin ko sayo parang wala lang talaga. Nakangiti ka pa non tas ang sabi mo lang sakin "sup." Akala ko tuloy english speaking ka pero yun pala parang joke mo lang yun.

Tas habang tumatagal, naging close na tayo hanggang sa araw araw na din tayo nag-uusap tas naging super close friends nadin tayo. Hayy I'm so happy to be your friend. Ang saya mong kasama, good vibes ka lang lagi tas magkasabay pa tayo sa trip. Buti nalang talaga nakilala kita.

December 10, 2015

     Class assembly..

Nasa likod moko tapos shempre bata pa tayo kaya nagkukulitan lang tayo. Naalala ko ang kulit mo kasi kinikiliti mo ako tas kinukulit. Doon ko mas naramdaman na masaya talaga ako kapag kasama kita. Natutuwa ako na nagkaroon ako ng boy best friend na katulad mo.

February 13, 2015

     Grader's prom.. hays ang cute mo ngayon. Ikaw lang ang nakayellow na long sleeves na polo kaya naman ang unique mo sa paningin. Tuwing napapadpad yung paningin ko sayo lagi kang nakangiti. Ang gwapo gwapo mo tignan. Sayang lang di tayo nagkaroon ng pagkakataon makapagsayaw. :( Pero kahit ganon, sana naenjoy mo yung event J! Alam kong magiging memorable parin yun sayo.

August 16, 2016

     Hay finally grade 6 na tayo. Dati iniimagine ko lang to tas ngayon nandito na. Ang bilis ng panahon. Di kita kaklase ngayon pero ayos lang kasi magkatabi naman classrooms naten.

Nagmature ka slight this year. Bakit pagwapo ka naman ng pagwapo kasi? Ang dami na tuloy nagkakacrush sayo. Sakin pa nila sinasabi kasi close tayo hmp.

Pero bayaan na nga. Sino ba naman kasi hindi magkakagusto sayo eh nasayo na lahat. Except saken ha! Best buddy kita tsaka bata pa tayo para dun no.

November 14, 2016

     Haynakoo nakakapagod magexplain. Ilang buwan na akong inaasar ng mga classmates ko sayo. Ang daming nagsasabi na crush kita. Lagi pa nila ako inaasar tuwing naguusap tayo.

Dear JHOP,Where stories live. Discover now