"Bangungot"

8 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa pagmamahalan ng aking ama't ina, elementarya pa lamang puso nila ay nakatakda na para sa isa't isa. Masayang nagsama hanggang nagbinata't nagdalaga.

Disinuwebe, taon ng aking ina ng ako ay nabuo sa pagtatalik na dulot ng pagmamahalan.

Masaya kaming nabuhay kahit napakadaming balakid na nakaantabay. Tanging paggising lamang sa umaga, pagbukas ng aming tindahan ang aming inaalala.

Akala ko palaging masaya ngunit isang bangungot ang gumising saakin bigla.

"Mamili ka, kami ng anak mo o yang kabit mo?"

Lumabas kami ng aking Ina sa pintuan ng aming tahanan, bitbit ang maleta na puno na lamang ng alala na hindi na masusundan pa.

Nabalot ng pait at lungkot ang buhay ko. Isinantabi ako ng aking magulang sa panandaliang saya na maaring mawala din sa isang iglap.

Sa paglipas ng panahon, bitbit ko ang bakas ng kahapon. Namuhay akong galit ang laman ng puso. Napabayaan ng magulang. Piniling magisa sapagkat yun ang tanging pinaparamdam nila.

Maraming nagmamahal saakin ngunit hindi ko naman maramdaman. Tanging patalim ang aking kasangga sa tuwing ako'y tinatalikuran nila.

Mapait ang mundo na aking ginagalawan, masarap mabuhay sabi nga nila. Antayin lamang natin na umayon ang mundo na saatin ay humahadlang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Bangungot"Where stories live. Discover now