JAYSON - 03.

8 3 1
                                    

JAYSON - 03.

"Hello Gift?"

"Nasa Aurora ka na?"

"Oo, kaso nang makita ako ni mama ay ayun, nawalan ng malay," malungkot na kwento ni Jayson. "Saka may nakasabay akong isang For.One na dito rin nakatira."

"Gano'n? Pakikamusta na lang kami kamo kay tita, okay? Enjoy."

"Hmm, ikaw rin. Magkasama kayo ni PDnim?"

"Hindi. Nasa EK ako ngayon--"

"Kuya Gift!"

"Oh, sino 'yang tumatawag sa 'yo?" Nagtaka si Jayson sa narinig na boses ng isang babae.

"Si Jodie," sagot naman ni Gift.

"Sinong Jodie?"

"Basta, ipapakilala ko na lang sa inyo next time. Bye!"

**

Isang oras ang nagdaan. . .

"Anak?"

Napalingon siya, seeing his mom awake with a smiling face. It made him shed tears.

"Ma.." Nagyakapan ang mag-ina, at sabay na naluha. "After years ay nagkita ulit tayo, ma."

"Oo nga, anak. Na-miss kita, sobra." Kumalas si Ging mula sa yakap. "Kamusta ka na pala? Kaylaki na nga ng pinagbago mo, haha.."

"Ayos na ayos naman po kami, lalo na ako, ma. May isang linggo kaming bakasyon."

"Ah, gano'n ba? Nakakain ka na ba? Sakto at may naluto na ako." Tumayo ito at kaagad na inalalayan ni Jayson.

"Sabi nga po ni kuyang tricycle driver," aniya. "Hanggang bukas lamang po ako ng tanghali dito, ma."

"Bakit?"

"Didiretso po ako sa Korea." Naupo siya sa upuan kaharap ng lamesa.

"Naiintindihan ko."

"Salamat, ma. Sa susunod ay isasama na kita sa Manila. Sasama ka na sa'min."

Nagulat ang kaniyang ina sabay tingin sa kaniya na para bang kahibangan ang sinabi nito. "Ha? Pero anong sasabihin nila?"

"Ma, matagal na namin iyong napag-usapan. At ngayon ay may pagkakataon na akong sabihin iyon sa'yo. Sana'y pumayag na kayo. Saka, ayaw niyo 'yun? Magkasama na tayo?" Nginitian siya ng anak.

"Sige." Bumuntong-hininga ang kaniyang ina. "Payag na ako. Basta magkasama tayo."

"Yes! Salamat ma!"

**

"Talaga? Payag na si tita?"

"Oo, Alpha Ang saya-saya ko, hahaha!"

"Oo na. Mukhang mas masaya ka pa kaysa sa PanTon, saka kay Ace."

"Kamusta na ang mga 'yon?"

"Nasa Disneyland na 'yung dalawa, at nasa Entertainment si Ace."

"Bukas ay nandiyan ako."

"Ah, baka hindi na ako makapunta. Hihintayin ko na lang kayo sa dorm."

"Huh? Bakit?"

"Kailangan ko pang kausapin si Yhena. Nasa school niya ako."

"Ah, good luck na lang?"

"Haha, salamat bunso."

"Sige na, ibababa ko na."

"Sige bye."

**

Nasa labas ng kanilang bahay si Jayson. Gaya ng nakasanayan, nakasuot siya ng malaking T-shirt at black pants. Nakasuot siya ng tsinelas, at wala siyang kapolbo-polbo.

He's just in his simple grooming.

"Jayson Lee, pa-autograph naman!"

"Ay, sige po."

"Wow! Idol, pa-picture naman!"

"Sure po."

"Ang simple mo pong tingnan."

"Ganito naman po talaga ako dati."

"Lods!"

"Carlo!"

Nilapitan niya si Jayson. "Kamusta? Si tita?"

"Nakapag-usap na kami. Teka, may pupuntahan ka ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang talaga na gumala. Na-miss ko ang gumala dito, e."

"Talaga? Tara, gala tayo. Magsasabi muna ako kay mama."

"Tara, samahan na kita."

"Sige."

**

Lumabas sila mula sa bahay na may dalang bag. Gagala nga, hindi ba?

"Maglalakad lang tayo."

"Sige lods, gusto ko 'yan."

Habang naglalakad ay panay ang lingon ni Jayson, kaya may mga nakakapansin sa kaniya. Nagugulat na lamang sila ni Carlo dabil sa may biglang sisigaw at hahabol sa kanila.

"May ihawan! Na-miss ko 'yan!" sabi ni Carlo sabay turo sa gilid ng daan.

"Bili tayo."

"Tara."

Lumapit sila sa tindero na nandoon.

"Oh, Carlo! Aba'y ngayon na lang ulit tayo nagkita!" Kumaway ang tindero kay Carlo.

"Oh, Kuya Patrick! Aba! Hindi ko napansing ikaw 'yan!" aniya sabay lingon kay Jayson. "Siya po si Jayson."

"Kilala ko siya, idol siya ng anak ko. Anong gusto niyo?"

"Betamax po," sabi ni Jayson.

"Isaw sa akin," sabi ni Carlo. "Tig-tatlo po! Libre ko."

"Sige, do'n muna kayo." Sumenyas ang tindero.

"Sige po. Tara lods!"

Dumiretso sila sa mahabang upuan na naroroon.

*KRING!!! KRING!!!*

"Hello?"

**

Hi, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends!

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/X/IG/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: sophiaeeeyahalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials:
Facebook: 1ST. ONE
Twitter: @1stoneOfficial
Instagram: @1st.oneofficial
TikTok: @1stoneofficial
YouTube: @1stOneOfficial (Entertainment channel: @FirstOneOfficial)

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon