JAYSON - 04.

12 3 1
                                    

JAYSON - 04.

Naisipang tawagan ng PanTon si Jayson. Katatapos lamang ng mascot parade at nasa restaurant sila.

"Hello?"

"Hi bunso!"

"Team PanTon!" magiliw na sabi ni Jayson sabay kaway. "Kamusta? Look who's with me!"

"Sino 'yan?" tanong ni J. "Teka, nasa ihawan ba kayo??"

"Oo," aniya sabay lingon kay Carlo. "Hi ka naman sa kanila."

"Hi Kuya J, Kuya Joker!" magiliw na sabi ni Carlo. "Balita ko ay nasa Disneyland kayo?"

"Oo, katatapos lang ng mascot parade!" masayang sagot ni Joker. "Ba't magkasama kayo?"

"Nagkasabay kami pauwi dito," sagot ni Jayson. "Isa siyang For.One, tama Carlo?"

"Oo," sagot ni Carlo.

"Anong pangalan mo?" tanong ni J.

"Carlo, Boss J!"

"Mukhang nag-e-enjoy kayo diyan, ha?" ani Joker sabay palibot ng camera sa paligid. "Hmm, so gusto niyo ba ng pancakes saka pancit canton?"

"So, tinotoo nga ni Regalo 'yung sinabi niya?" tanong ni Jayson.

"Check mo kaya story niya sa Instagram!"

"Mamaya na. Wait, kain muna 'kong betamax."

"Woi, sarap niyan! Magdala ka dito!"

"Meron naman diyan!"

"Hahaha!" si Carlo.

"By the way, uuwi muna kami sa dorm tapos susunod kami sa Korea," sabi ni J mayamaya. Nakain na sina Jayson at Carlo ng ihaw. "Ikaw ba? Kailan ka susunod?"

"Bukas ako susunod," sagot ni Jayson. "Magkakasabay kaya tayo?"

"Ewan ko. Sina Max at Marina ay didiretso dito, e. Tapos baka magsabay-sabay na kami pupunta sa Korea. Si Gift, hindi ko alam kung may plano siyang sumunod. At si Alpha, ewan. Hayaan muna natin ang isang 'yon."

"Ano pa nga ba? Hahaha! Siya sige na, bye."

"Bye bunso!"

"Bye!"

"Bye Carlo!"

"Bye boss!"

**

"Tara na!"

"Saan lods?"

"Uuwi na. Gabi na, e. Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Hahaha, nako baka nga. Ang bilis ng oras ano?"

"Sinabi mo pa."

"Tara, uwi na tayo."

Naglakad na sila pauwi. Sa loob ng mga oras na nagdaan ay marami silang napuntahan. Syempre, sentro si Jayson ng maraming atensyon. Kung saan-saan sila nakarating.

Sabihin na nating nalibot nila ang buong Aurora.

**

"Ma, nandito na po ako," sabi ni Jayson nang makapasok sa loob ng kanilang bahay.

"Anak." Kaagad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Mukhang nag-enjoy ka't ginabi ka na."

"Hehe, 'yun na nga po e," natatawang sagot ng anak sabay upo sa upuang nasa tabi ng pinto. "Sa tingin ko po ay baka next week kayo masusundo ng isa sa tauhan ng Entertainment na nakabase dito sa Pilipinas. Sa tingin ko'y kailangan niyo nang mag-impake."

"Ako na ang bahala doon. Nagugutom ka na ba? Halika't nakahain na ang paborito mo."

"Sige po."

Pagkakain. . .

"Ma, maliligo lang po ako sa may poso!" Nakasuot ng puting sando si Jayson. Nasa labas siya ng kanilang bahay.

"Aba'y gabi na! Baka mapaano ka pa." Mula sa pinto ng kanilang bahay ay sumilip ang kaniyang ina.

"Okay lang po, ma! Saka kasama ko si Carlo. Saglit lang po naman kami malilgo, e."

"Hala siya sige."

"Salamat ma!"

Sa may poso na di-kalayuan mula sa kanilang bahay. . .

"Lods!"

"Oh, may kasama pala tayo----Jayson Lee!!!"

Nagulat si Jayson nang ang lalaking kasama ni Carlo ay napasigaw at niyakap siya.

'Hala. Sino ka?'

"Hoy, Jed! Nababakla ka na naman!" sigaw ni Carlo sa kaibigan. "Hala lods, sorry!"

"Hi Jayson! Ako si Jed, JEDtiny mo!" sabi ni Jed kay Jayson. "Grabe! Hindi ko inaasahan na makikita kita nang malapitan!"

"Ah hehe.." naiilang na sabi ni Jayson.

"Aba tama na 'yan! Naiilang na sa'yo 'yung tao," sabi ng isa pang kaibigan ni Carlo. "Hi Jayson, ako si Mark."

"Hi Mark."

"Ako ba, hindi mo ako babatiin?" tanong ni Jed.

"Paano ka niyan babatiin, ha?" tanong ni Mark.

"Hi rin sa'yo Jed---"

"Waaaaa!!!"

"Ang ingay mo!" sigaw nina Carlo at Mark.

"Tara at maligo na sa poso!"

"Yeah!"

**

Hi, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends!

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/X/IG/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: sophiaeeeyahalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials:
Facebook: 1ST. ONE
Twitter: @1stoneOfficial
Instagram: @1st.oneofficial
TikTok: @1stoneofficial
YouTube: @1stOneOfficial (Entertainment channel: @FirstOneOfficial)

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now