JAYSON - 05.

35 3 2
                                    

JAYSON - 05.

Kinabukasan, ika-walo ng umaga. Nagising si Jayson dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay.

Nang makapaghilamos at makapag-ayos ng sarili ay kaagad siyang naglakad palabas.

"Welcome back, Jayson Lee!" Nag-pop ang maraming balloons sa kaniyang harapan at nakita niya ang mga kapitbahay na nakangiti sa kaniya. May mahabang lamesa sa gitna ng kalsada na punong-puno ng mga pagkain.

Sa mismong harapan niya, may hawak na cake ang kaniyang ina. Nakangiti ito at masaya siyang sinalubong.

"Ma, anong meron?" takang tanong ni Jayson.

"May welcome party para sa'yo, lods!" masayang sabi ni Carlo. "Nagustuhan mo ba?"

"Na-surprise ako," aniya. "Pero salamat. Salamat po sa inyo."

"I-blow mo na 'yung cake anak," sabi ng kaniyang ina.

"E hindi ko naman po birthday?*

"Aba e late celebration kumbaga," aniya. "Sige na, hipan mo na."

Hinipan na ni Jayson ang kandilang nasa cake at nagpalakpakan ang lahat.

"Kain na po tayo. Nagutom ako bigla dahil sa mga pagkain." Nagtawanan ang lahat dahil sa kaniyang sinabi.

Syempre, bilang espesyal na tao ay nasa sentro siya ng lamesa at napapaligiran ng standees, standees ng mga ka-grupo niya.

"Sana kasama mo ang iba mong kagrupo, ano?" sabi ng isang matandang babae.

"May kaniya-kaniya po kasing pinagkakaabalahan ang mga 'yon," sabi niya. "Pero, pupunta rin naman sila dito e. Hindi pa lang po sure kung kailan."

"Balita ko'y isasama mo ang iyong ina sa Manila," sabi pa ng isang matanda. "Aba'y mabuti at magkakasama na kayo."

"Ah, opo. Marami po kaming kasama ni mama do'n."

Nagpatuloy lamang sila sa pagkain habang may pinag-uusapan ang iba nilang kasama.

"Anak, tumutunog yata ang cellphone mo?"

"Po, ma?"

"May tumatawag yata." Inabot ng kaniyang ina sa kaniya ang kaniyang cellphone.

"Ah, salamat po."

Agad niyang sinagot ang tawag.

"Gift?"

"Nasa inyo ka pa rin ba?" tanong ni Gift sa kaniya.

"Oo, bakit?"

"Mag-Zoom tayo kasama sila Ace!"

"Ha? Teka 'di ako ready."

"Ready ka, sure ako! Bili na!"

"Oo na."

Mayamaya pa. . .

"Hi bunso!"

Naka-Zoom silang pito. Abala pa rin sa kinakain si Jayson.

"Aba anong meron diyan at kumakain ka? Saka parang may kasiyahan diyan?" tanong ni Alpha.

"May welcome party kasi," sagot ni Jayson.

"Para sa'yo?" tanong ni Max.

"Oo. Ang saya nga e."

"Aba, sino pa ang mga kasama mo bukod kay tita?" tanong ni Gift.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz