Chapter 18

5.5K 497 84
                                    

Happy 42nd birthday, Elle! Hahaha tanda mo na girl :P Ingat ka, huwag puro milktea kawawa diet mo.

Wish ko sana hindi mo na po ako i-bully. Doon tayo sa mabait, okay? Sana rin huwag mo na i-deny na hindi ka alipin dahil aliping saguiguilid kita. Stay healthy and fresh (hindi ka po mabango 🥺)!

I love you, panget mo.

PS. *24th birthday pala haha!

Girlfriend mong hindi bully,
Iris xx
10/16/2020

--

Maingat akong bumangon. Nanindig ako sa lamig nang alisin ko ang pagkakabalot ng kumot sa katawan, sa sobrang tuliro ko kagabi ni hindi ko na nahinaan yung aircon dahil nahihiya na akong bumangon.

Napatingin ako sa pwesto ni West kahit medyo madilim ay nakikita ko siya. Sa kabila ng lamig ay naramdaman ko ang biglaang pag-init ng magkabilang pisngi dahil naalala ko na naman yung kiss namin kagabi. Shit talaga! Napahawak ako sa lips ko at wala sa sarili na muling umikut-ikot sa kama habang binabalot ulit yung kumot sa akin.

Tumigil lang ako nang muntik na ako mahulog dahil sa sobrang paggulong. Okay, kalma. Hindi rin naman obvious na kinikilig ka, Ella?

Kasi kinikilig nga talaga ako! Grabe, lips na 'yon ni West! Okay, sure, babae siya pero—pero! Kiss pa rin 'yon, tapos gusto—ay mali, crush ko pala siya. Saglit lang naman yung nangyari, ilang seconds lang, pero jusko hindi ko makalimutan yung softness.

Bumangon na ako ng tuluyan. Natatakot ako lapitan siya at baka biglang magising, hindi ko pa naman alam kung paano siya kakausapin. Lasing naman siya kagabi, sana makalimutan niya 'yon or else awkward talaga. Hindi na baleng ako ang may alam ng kiss, at least siya pwede niya pa ako kausapin ng maayos kung sakali. Kaysa naman parehas kaming aware edi lagot na.

Kinuha ko yung cellphone at naglakad palabas ng kwarto. Grabe, ang lamig! Umulan naman din kasi kaninang madaling araw, alam ko dahil halos wala talaga akong naitulog. Bukas yung ilaw dito sa hallway nang makalabas, naglakad ako pababa hanggang makarating ng sala. Tiningnan ko yung phone ko at nabigla dahil 5am pa lang. Ang aga naman!

Grabeng himala na talaga 'to, Lord, ah. Iba ka.

Madilim sa sala nang madatnan ko. Saka naman ako nakaramdam ng pagkauhaw. In-open ko yung flash ng phone ko at naglakad-lakad hanggang sa may maaninag ako ng may bukas na ilaw—nasa kusina na pala ako. Sakto. Pinatay ko yung flash at lumapit sa kusina pero natigilan ako nang mapansin ko na may tao pala.

Pasimple akong sumilip, may dalawang babae na nakaupo. Napansin ko kaagad na si South pala yung isa kaya mabilis na kumabog yung dibdib ko sa nakita. Si girl crush! Yung isa naman hindi ko kilala kaya tingin ko siya na si Ate Jade na nabanggit sa akin ni West.

Wait, paano ako kukuha ng tubig kung may tao? Nahihiya ako, baka mautal ako masyado kapag nagtanong sila kung sino ako. Baka hindi sila aware na dito ako nakatulog. Jusko, nasaan na ba si Ate North? Pero sige, lunukin ko muna hiya ako.

Tiningnan ko muna silang dalawa habang humuhugot ng lakas ng loob—pero halos masamid ako nang makita ko si Ate Jade na—omaygas! Nilapit niya ang mukha kay South at...nakakaloka. Wait, sila ba? Sila? Bakit sila nag-kiss?

Wait, kami nga ni West hindi naman mag-jowa pero... Natigilan ako. Ramdam na ramdam ko yung biglang pag-init ng buong mukha ko. Ang harot mong bata, Ella Marie!

"Ay, shi—" Halos mapatalon ako sa gulat nang mamalayan kong nasa harap ko na si South. Para akong aatakihin sa puso! Kailan pa siya naglakad papunta rito? Bakit hindi ko napansin? Ganoon ba ako kalutang? Huminga ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili. Girl, ganda niya! "H-h...hello."

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon