PANIMULA

4 0 0
                                    

Noaaahhh!!! Hiyaw niya ang nangingibabaw sa gabing iyon habang hinahabol ang aming sasakyang mabilis ang pag-andar patungo sa lugar kung saan gaganapin ang aking operasyon sa mata, nasulyapan ko ang kaniyang mukha na punong puno ng luha at tubig dahil sa ulang kasalukuyang bumubuhos.

Totoo ba 'to?? Totoo bang lilisanin ko na aking matalik na kaibigan at ang lugar kung saan maraming mga magagandang ala-ala na humubog sa aking pagkatao?

Papa pakihinto muna yung sasakyan parang awa niyo na sigaw ko sa aking amang nagmamaneho ng sasakyan at tila sumunod ito sa gusto kong mangyari. Mabilis kong binuksan ang pinto ng aming sasakyan at tumakbo patungo kay rein ang aking kaibigan simula pa noong lumipat kami sa lugar na 'to. Yinakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang kaniyang mga hikbi at luha sa aking balikat.

Noah akala ko ba hindi mo ako iiwan? Saad niya kasabay ng kaniyang mga hikbi.

Rein diba napag-usapan natin na pag magaling na ako ay babalik ako rito. Pero sabi mo, doon mo na itutuloy ang iyong pag-aaral ibig sabihin lang nun ay hindi na tayo magkikita. Unti-unti na ring tumulo ang aking mga luha sapagkat narinig ko sa usapan ng aking mga magulang kanina ay wala na silang balak na bumalik dito at doon na sa Maynila manirahan.

Noah halika na sigaw ng aking nanay mula sa aming sasakyan. Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na rin ako bitbit ang isang box na galing kay rein at nung aking binuksan ay may laman itong friendship bracelet, agad kong sinuot sa aking kamay at makikita rito ang nakaukit niyang pangalan.

R E I N.......

NOAH

Pagmulat ng aking mata, ramdam ko ang bigat ng aking pakiramdam. Bagong lugar, bagong buhay nanaman pero di ko batid kung saan magsisimula sapagkat hindi pa rin pumapasok sa aking isipan na hindi ko na makikita pa si Rein ang nagbigay ng dahilan para lumaban ako sa sakit kong ito at bukas ay may panibagong araw na kung saan wala ng lungkot at pighati.

Noah! Tawag sakin ng aking nanay na naghahanda ng aming almusal. Halika at may appointment pa tayo ngayon sa doktor mo at bawal kang malate, dagdag nito. Opo ma punta na po ako diyan sambit ko habang inaayos ko ang aking higaan.

Tapos na kaming kumain at nakapaghanda na rin para sa pupuntahan naming Ospital upang icheck up ako at kung kakailanganin ko na bang magchemotherapy para sa sakit kong leukemia. Sa estado ng katawan ko ngayon ay parang sobrang lakas ko at walang bahid na may malala akong sakit.

Nakauwi na rin kami at tila dumiretso ako sa aking higaan pagkatapos kumain ng hapunan dahil na rin sa pagod. Iniisip ako kung anong kayang ginagawa ni Rein sa ganitong oras, miss na rin kaya niya ako? Hayaan mo noah magkikita rin kayo balang araw pag magaling ka na ng tuluyan.......

REIN

Magang maga pa rin ang aking mata sa kaiiyak, parang sa isang iglap ay nawala na yung pinakamamahal kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa'kin sa susunod na araw, kung ang lungkot na to ay panghabang buhay.

Hindi ko na alam kung makakayanan ko pang tumayo sa'king higaan na parang walang nangyari.

Sana nga panaginip lang to at sa pagmulat ng aking mata ay masilayan ko muli ang kaniyang mga ngiti.................

Umaga na pala at 7:15 ang una kong klase, kailangan ko paring pumasok sa kabila ng lungkot na aking nararamdaman kasi pangako namin sa isa't isa na aabutin namin ang aming mga pangarap  kahit hindi kami magkasama.

Ito ako ngayon balisang naglalakad papunta sa aking paaralan at hindi ko maikubli na sa bawat tapak ng aking mga paa ay naaalala ko ang bawat sandaling magkasama kami, tila kay sarap pakinggan ang bawat tunog ng mga ibon at sa simpleng ito nakaklimutan ko ang lungkot at sakit.

Totoo ngang walang permanente sa mundo, kumusta na kaya yun naiisip niya kaya ako?

Binuksan ko na ang pintuan ng aming klase at sa pagpihit ko nito nadatnan ko ang iilan kong kaklase sa loob nito at alam nilang nawalan sila ng kaklase kaya nababatid ko ang lungkot sa kanilang mga mukha, hindi ko alam kung naaawa ba sila sa akin o malungkot din sila sa pag alis ng isa sa mga estudyanteng tumayong lider sa klaseng ito.

Alam kong naaapektuhan rin ang klaseng ito sa kaniyang pag alis sapagkat si Noah lang naman ang nagbigay ng pag-asa sa bawat isa na ang klaseng ito ay may ibubuga  sa mga paligsahan sapagkat binago niya ang pananaw ng bawat isa... mula sa patapong tingin ng mga guro sa aming klase ay napalitan ng magagandang komento..

Pumasok na ang aming guro at sinabi ang rason ng pag alis ni Noah dahil marami sa aming klase ng walang alam kung bakit niya nilisan ang lugar na to na hindi man lang nagpaalam sa amin.

Nalaman ko nalang nung binalita ng aking nanay na aalis na pala sila, at sa oras na yun nakita kong umandar na ang kanilang sasakyan papalayo, buti ay naabutan ko po ito at sa maikling oras ay nakapagpaalam pa kami sa isa't isa.....

Nagdaan ang oras at narinig ko na ang aming bell na hudyat ng lunch time, tinahak ko ang aming school at piniling kumain mag isa dahil si Noah lang naman ang lagi kong kasabay kumain dito.

Pagkatapos kong kumain ay pinili ko munang pumunta sa aming tambayan, dahil  napakagandang tanawin ang makikita mo rito.. maririnig ang huni ng ibon na nakakatanggal ng lungkot oati na rin ang magagandang tanawin na makakalimutan mo ang inyong problema sa simoleng pagtitig mo rito.

Pagkatapos ng aming klase ay ramdam ko ang pagod ng aking katawan, dumiretso na ako sa aming bahay at sa aking paglalakad ay nakita ko si kuya bren isang street food vendor dito. Nginitian ko na lamang ito dahil araw-araw kaming kumakain dito pagkatapos ng aming klase, pero ngayon wala na akong gana at gusto ko na ring magpahinga.

Naabutan ko ang aking tatay sa bungad na aming bahay at tila may ginagawa itong project mula sa kaniyang trabaho kaya di na niya ako napansin na dumating na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love is everythingWhere stories live. Discover now