RESERVED ISSUE no.3

154 3 0
                                    

  

      "Mia, dapat sinabi mo kay manang Lolita kanina na may allergy ka pala sa sabon. If that incident didn't happened earlier hindi pa namin malalaman na may allergy ka pala sa sabon. Pinaghugas ka pa ni manang. And sinabuyan ka pa ng sabon ni Thea."

    Biglang parang sermon niya saakin while we are in the middle of our dinner. Kahit kumain na ako kanina, pinapakain niya pa din ako ngayon. A sweet big guy!

   "Mattheo, nakakahiya naman na kasi eh! Pinapakain mo na nga ako ng libre, pinatira dito ng libre, it's a shame kung hindi manlang ako marunong mag-give back sa ginawa mo."

  "You have to, Mia. I voluntarily helped you. Cargo de Konsensiya kita."

  Cargo de Konsensiya... Familiar! Yeah. I knew that word. Palaging iyan ang sinasabi ni Kai kapag pinag-iingat niya kami.

"But I just can't think of it na parang ang kapal na ng mukha ko kung magbubuhay-prinsesa ako dito sa inyo."

   He sighed—I think in defeat.
"Hindi ka talaga magpapatalo ano?"

I shook my head and smile sweetly. That made him chortle.
  "You're cute when you do that."

I felt like choking kaya agad akong uminom ng tubig. Heart-warming statement!

  "Ma'am Mia..."

Napalingon kaming pareho kay Thea na nakalapit na pala saamin.

"Ma'am, sorry po talaga sa ginawa ko. Hindi ko naman po kasi alam na boss po pala kita."

"Wait, gusto kong mag-usap tayo ng tayong dalawa lang."

I looked at Mattheo.
   "Excuse us, Mattheo."

Naglakad ako palabas ng bahay habang nakasunod saakin si Thea. Now we are on the garage.

  "Now, wala na sa harap mo si Mattheo, totoo bang nag-so-sorry ka?"

"Totoo po yung sinasabi ko ma'am Mia. Hindi ko naman po kasi alam na kaibigan po kayo ni sir."

   "So, if I were really a maid, you are still planning to take revenge on me, aren't you?"

Guilty, she lowered her head.

   "Alam mo, hindi ka dapat ganyan. Paano nalang kung sobrang mayaman ka na? di mamaliitin mo lang lahat ng katulong sa mundo?"

"Hindi naman po ma'am. Wa-wala lang po ako sa mood kanina. Sainyo ko po naibuntong ang galit ko."

   I blew a breath.
"You shouldn't do that. Hindi mo dapat inilalabas sa ibang tao ang galit mo. Yes, you shouldn't keep it to yourself kasi nakakasama iyon for you, but also remember na nakakasira ng social life kung palaging iyan ang gagawin mo. Okay, at least naging totoo ka sa ugali mo, pero hindi porke't nagpakatotoo ka eh kumbaga kailangan pa naming mag-adjust. It is you who should adjust lalo na't may nasasaktan kang tao. Do you get my point?"

  She nodded.
"Opo. Pasensya na po talaga sa nagawa ko. Hindi ko na po uulitin."

  "If I see you change, okay na tayo. Okay ba yun?"

"Yes po. Maraming salamat ma'am!"

"Okay lang yun, ano ka ba? Don't worry. You take a rest na."

"Maraming salamat po ma'am. Good night po." Masaya niyang paalam saakin.

  "Sige. Good night."

  Then she started to walk.
Hay! Minsan talaga ang mga tao sa panahon ngayon, they always took advantage to those inferior to them. Hindi ba pwedeng kahit mayaman ka, tratuhin mong maayos ang lahat?

Wild Vengeance 2: "The Reserved Twin" (Finished)Where stories live. Discover now