Paubaya

39 1 0
                                    

Better to read while playing "Paubaya" by Moira Dela Torre.

— — —

"Ano po ang iyong kwentong paubaya?" tanong sa akin ng isa sa mga nasa presscon.

Napangiti naman ako nang mapait at inalala ang mga nangyari rati.

"Ayaw ko na rito sa bahay na 'to. Bakit ba ikaw ang nakasama ko? Bakit hindi na lang si Papa?" wika ni Ria, ang aking anak.

Hindi ko napigilan na paliparin ang palad ko sa mukha niya at pinagsisisihan ko 'yon.

Napahagulgol naman siya lalo at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Ano ba 'tong nagawa ko?

Hiwalay na kami ng ama ni Ria. Sa kadahilanang hindi na makagaganda  sa aming dalawa kung mananatali pang maging kami. Pinaalis ko siya sa tahanan namin. Ngunit hindi ko sinabi sa mga anak ko ang totoong dahilan.

Dahil ayaw kong magalit sila sa Papa nila.

Sa mga sumunod na araw, laking gulat ko nang kausapin ako ni Ria. Ngunit medyo malayo pa rin ang loob niya sa akin— ramdam ko iyon.

Ilang araw na lamang ay malapit na ang kaarawan niya. Naglista ako ng mga maaari kong iregalo sa kaniya.

Napangiti ako nang may maisip akong napakagandang regalo na magugustuhan niya.

Binisita ko muna si Ria sa kwarto niya. Natutulog siya nang mahimbing.

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha sa'king mga mata. Parang dati ay sanggol pa lamang siya, ngayon ang laki na niya.

Ikinangiti ko nang maalala kong muli kung ano ang aking mga ireregalo sa kaniya.

Dumaan nang mabilis ang mga araw. Sumapit na ang kaarawan ni Ria.

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~" pag-awit ko nang bumaba siya galing sa kwarto niya.

Hinipan niya ang kandila, niyakap niya ako at sinabing, "Thank you, Mama. I love you po!"

Habang kumakain kami, inilabas ko ang una kong regalo sa kaniya.

Laptop na maaari niyang magamit sa online class niya para hindi na siya mahirapan.

Lubos ang tuwa niya.

"Para naman sa aking ikalawang regalo.."

Napakunot ang noo niya.

"Payag na akong doon ka na sa Papa mo. Kung sa kaniya ka sasaya, hindi ko na ipipilit pang manatili ka sa akin. Ang nais ko lang ay huwag ka niyang pababayaan at alagaan ka parati," saad ko. Nakita kong namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Ang gusto ko lang naman ay sumaya ka. Kung ito ang magiging paraan para mapasaya kita, handa akong ipaubaya ka sa kaniya."

###

Written by Aureia Writes
A work of fiction
All rights reserved 2020

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaubayaWhere stories live. Discover now