1ST ONE - 06.

10 3 1
                                    

1ST ONE - 06.

"Jayson!" sigaw ni Jia.

Nakasandal si Jayson sa malamig na pader. Wala siya ni isang galos, ngunit ang kaniyang pagmumukha'y nababalutan ng takot.

Kaagad siyang inalalayan ni Minje, at tuluyang ihiniga sa stretcher na dala ng ambulansya. Napatingin si Jia sa ama na kasalukuyang pinoposasan ng mga pulis. Tuluyan itong ipinasok sa police mobile kasama ang dalawang anak na lalaki.

"I can't believe this, appa," malungkot na sabi ng dalaga. "I can't. How could you do this? Why our older brothers need to do this?"

Mabilis na naidala sa pinakamalapit na ospital si Jayson. Sina Ace at Jia ay sinamahan siya hanggang sa umayos ang kaniyang kalagayan.

Si Minje ay bumalik sa FirstOne Entertainment. Everyone was settled yet uncomfortable due to worrying for Jayson. Nagkagulatan pa silang lahat.

"Y-You're all here?" Nagugulat na nilingon ni Minje si Alpha.

"Yeah. Aren't you expecting us?" tanong ni Alpha. "How's Jayson? Is he fine already? Where's Ace?"

"He's now fine. He and Jia are in the hospital. They'll stay there for Jayson. Just settle and organize your things first."

"How about their dad?"

"Uhm, he's in jail." Lumungkot ang mukha ni Minje. "I thought everything will be just alright. But I'm wrong I can't believe that he kidnaped his own son, with his other sons.."

"About Jia..."

"Yes, Jia and Jayson are siblings." Kinumpirma ni Minje ang sinabi ni Yhena. "Jayson must know the truth."

Hindi na sila nagkibuan matapos niyon. Sinamahan sila ni Jaehyun patungo sa tutuluyan. Nasa kaniya-kaniyang kwarto ang mga lalaki, habang sina Marina at Yhena ay magkasama sa iisang kwarto na katabi ng special space ni Jia.

"Pagkatapos mo diyan, lalabas tayo. Kain na muna daw tayo ng dinner," sabi ni Marina.

"Siya siya, sige," sabi ni Yhena habang isinasalansan ang mga gamit sa gilid ng kama. "'Uy, congrats nga pala sa inyo ni Max. Official na pala kayo."

"Ay, hehe," Nahihiyang ngumiti si Marina. "Hindi pa naman totally na kami."

"Balak mo bang sagutin na?"

"Darating din kami sa time na 'yon, Yhena. E kayo?"

"Ha?"

"Sus, balita ko ay okay na kayo ni Alpha..." Ngumisi si Marina kay Yhena at natawa. "Akalain mo na matapos ang ilang taong hiwalayan ay nagkabalikan na pala kayo."

"Ahh.." Napangiti na lamang si Yhena at hindi na tumugon.

*TOK! TOK!*

"Sino 'yan??" Lumingon si Marina sa pinto.

"Si Alpha 'to," aniya. "Pwedeng pumasok?"

"Sige.."

Kaagad na bumukas ang pinto.

"Anong meron?" tanong ni Yhena.

"Tapos ka na diyan?" tanong ni Alpha at lumapit sa kaniya.

"Kaunting gamit na lang. Bakit?"

"Nagugutom na ako," nakasimangot na aniya.

"Oh e di kumain ka na." Natawa si Yhena sa kaniya.

"Sabay tayo."

"E magsasabay-sabay naman tayo."

"Ang sweet niyo, ah?" nakangiting sabi ni Marina.

"Sagutin mo na si Max, at mas magiging sweet kayo." Lumingon sa kaniya si Alpha. "By the way, hinihintay ka na niya. Tara na."

"Tara."

Dumiretso sila pababa ng hagdanan at narating ang lobby. Mula sa kanilang kinatatayuan ay nasa gawing kaliwa ang isang restaurant. Oo, restaurant. At para lang iyon sa lahat ng naroon sa FirstOne Entertainment at sa iba pang bisita.

"Here," sabi ni Max sabay lagay ng upuan katabi niya.

"Thanks." Ngumiti si Marina at umupo.

Nagtabi-tabi sina Alpha, Yhena, Marina, Max at Gift. Sina J at Joker katabi sina Minje at Jaehyun ay nasa kabilang bahagi ng lamesa.

Mayamaya pa'y nasa lamesa na ang mga pagkain at inumin.

Nagsimula silang kumain. Ngunit imbis na ganahan ay napapaisip ang iba sa kanila. Ang iba ay nag-aalala, at may tahimik na kumakain.

"So who from you guys know that Jia and Jayson are siblings?" tanong ni Jaehyun makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"I just accidentally discovered it," sabi ni Minje. "Then Ace also.."

"We don't know anything about that," sabi ni Max. "But how? Does Jayson already know?"

"Ace was convincing Jia to tell it to Jayson." Lumingon sa kaniya si Minje. "Jayson's been noticing something, so yeah."

"Why don't we tell aunt about Jayson's condition?" tanong ni J. Ang ina ni Jayson ang kaniyang tinutukoy.

"I told her already."

Napalingon ang lahat sa nagsalita.

Pare-pareho silang nagulat, lalo na ang lima.

"PDnim??" Halos ang lahat ay nagsalita.

"Don't look at me, continue eating everyone," aniya. "I'll go to the hospital if Jayson's already okay. I also heard, something happened on Ace. I'll fetch him and Jia, and if Jayson's ready to be discharged we'll be back here."

Naglakad na siya paalis ng restaurant.

Pare-pareho silang napayuko.

"Patay, ang akala niya ay sina Ace at Jayson lang ang nandito," mahinang sabi ni Gift.

"Bakit? Ano bang kaso kung nandito kayong lahat?" nagtatakang tanong ni Marina.

"Oo nga? May hindi ba kami nalalaman?" tanong ni Yhena.

"Hindi kami makakabalik sa Pinas ng isang buwan," diretsong sagot ni Alpha.

"Ha? Bakit?" tanong ni Marina.

"Kasi bago kami tuluyang makarating sa dorm after ng fan meeting namin ay sinabihan kami ni PDnim na once na may makakitang isa sa staff namin na nandito kami ay wala kaming choice kung hindi ang manatili dito for one month. Kailangan na naming mag-prepare for our debut here in Korea.." sagot ni Max. "Next month ay may regional tours kami, at nangangamba akong hindi iyon matuloy kung mananatili kami dito for one month."

"E? Gano'n?" nagugulat na sabi ni Yhena. "Oh e di ano na ang gagawin ninyo?"

"Malalaman mamaya," sagot ni Alpha. "Yhena, Marina, we're sorry.. Hindi dapat ganito ang mangyayari, e."

**

"Ace.."

"Hmm?" Nginitian niya si Jia.

"Nandito si PDnim."

**

Hi, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends!

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/X/IG/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: sophiaeeeyahalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials:
Facebook: 1ST. ONE
Twitter: @1stoneOfficial
Instagram: @1st.oneofficial
TikTok: @1stoneofficial
YouTube: @1stOneOfficial (Entertainment channel: @FirstOneOfficial)

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now