Bilang 9 - Acacia

22 16 0
                                    

ACACIA

Bumagsak ang malaking puno,
Buong espasyo ng lupa ay napuno,
Nang matumba ang acacia,
Sa harapan ng aking mga mata.

Umikot ang mga ala-ala,
Noong tayo pa ay magkasama,
Tinanim natin ang puno,
Sabay ang ating mga kamay ay nagtagpo.

Sabay na nangako,
Na sa paglaki nito'y tayo,
Tayo parin dalawa,
Na babalikan natin ngunit nawala kana.

Nawala na ang kasama kong nagtanim,
Nawala na ang taong kasama ko sa lilim,
Nawala na at hindi dumating,
At pinag-antay mo ako hanggang sa malasing.

Wala kang pasabi kung bakit,
Kung ano? ako ba'y pinagpalit?
Kung bakit mo ako iniwan?
Sa punong madalas nating sinasandalan.

Putol na ang punong bumagsak,
At doon nagsimulang umiyak,
Hindi kona kayang mag-antay sayo,
Kaya pinaputol kona ang punong ito.

Dahil ayoko nang maalala pa kita,
Ayokong palagi nalang akong umaasa,
Ayokong sa tuwing nakikita ang acacia,
Ikaw at ikaw lang ang idinidikta.

Kaya sa pagbagsak ng punong ito,
Tinatapos kona ang ala-alang mayroon tayo,
Tinatapos kona ang ugnayan nating dalawa,
Na siguro ako nalang ang nakaka-alala.

_

Nepenthe's || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon