1ST ONE - 09.

41 3 6
                                    

1ST ONE - 09.

Habang kumakain ay hindi mapalagay si Ace. Panay ang buntong-hininga niya. Nahahalata iyon ni Jia kaya gaya ng pagpapakalma nito sa kaniya, ganoon din ang kaniyang ginagawa ngayon.

"Aalis muna ako saglit, pero babalik rin ako," mayamaya'y sabi ni Oppa Ojay. "I have an important call with someone."

Tumango lang sila. Nang makaalis si Oppa Ojay ay kaagad na nagsalita si Jayson. "I'm sorry."

"What?" nagugulat na sabi ni Ace. "You're sorry for what?"

"Hindi ako nakinig kay Jia," aniya "Hindi ko akalain na gano'n ang mangyayari. Hindi ko akalain na gagawin 'yon ni papa. Pero Jia, may ikukumpirma sana ako.."

Bumilis ang tibok ng puso ni Jia. Hindi siya makatingin nang maayos kay Jayson. "A-Ano?"

"Ikaw ba, kapatid ba kita?"

"O-Oo. Kapatid mo ako, kapatid kita." Tuluyang lumuha si Jia. Tumayo siya at naglakad patungong backyard. Doon niya tuluyang pinakawalan ang kanina pang itinatagong mga luha.

Kaagad siyang sinundan nina Ace at Jayson.

"Hindi ako nagkamali sa iniisip ko," aniya. "I'm sorry, ganito ang nangyari dahil hindi ako nakinig."

"Ano ka ba?" Nais mang pigilan ang luha ay hindi iyon nagawa ng dalaga. "Nag-aalala ako na baka ma-trauma ka dahil sa nangyari."

Niyakap siya ni Jayson.

"Nabigla ako, oo. Natakot, oo. Pero kailanman ay hindi ako mata-trauma," aniya. "Ikaw nga ang kapatid ko."

"Pero hindi lamang ako ang kapatid mo."

"Alam ko naman 'yon e."

Marahang hinagod ni Jayson ang likod ng kapatid nang maramdanang patuloy pa rin ito sa pagluha.

"Pero paano mo nasabing ako nga ang kapatid mo?" Tuluyang kumalma ang dalaga. Habang nakayakap kay Jayson ay pinunasan niya ang kaniyang mga mata.

"Hindi ko alam, sadyang naramdaman ko na 'yon. Saka 'yung nangyari kanina, doon ko napagtagpi-tagpi ang puzzles na namuo sa isipan ko."

"Ah.."

"Ako naman ang magtatanong." Pagkasabi niyon ay kumalas si Jayson mula sa yakap at tiningnan ang kapatid. Hinawakan ni Ace ang isang kamay ng dalaga at inabutan ng panyo.

"Salamat.." Ngumiti siya sa binata.

"You feel better?" tanong niya.

"Oo. Nga pala Jayson, anong tanong mo?"

"In a mutual relationship talaga kayo ni Ace?" Parehong kinatitigan ni Jayson ang dalawa.

"Oo. At nagbabalak akong ligawan siya," sagot ni Ace.

"Ah okay," aniya. "Panatag ako lalo na't magkasama kayo."

"Hindi ka magagalit, o ano maknae?"

"E bakit naman ako magagalit kung sa'yo naman sasaya ang kapatid ko?" Bahagyang natawa si Jayson. "Just make her happy, and sana ayaw kong umiyak siya nang dahil lang sa'yo."

"Kailanman ay hindi iyon mangyayari, pangako. Okay na kayo?"

"Okay na. Isang bagay na lang ang inaalala ko."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon