EPISODE 16

1.9K 79 10
                                    

EPISODE 16


"Sino po ang ka-partner ko Ma?"

Hindi ko maiwasan ang sabikin habang binabasa ni Mama ang wedding invitation nina Tita Clarisse at Tito Marshall sa kanilang darating na kasal, at isa ako sa magiging abay nila.

"Si Francine, anak ata ito ni Julian," sagot ni Mama habang hindi inaalis ang mata sa papel.

Agad akong napangiti sa tuwa dahil bukod sa kilala ko si Francine ay ito ang kauna-unaha kong paglakad sa pasilyo ng simbahan. Hindi nga lang ako 'yung ikakakasal pero nakaka-gaan sa pakiramdam.

"When will you come back?" tanong ni Ross habang kumakain kami sa Cream Line.

Tumingin ako sa kaniya at bumuntong hininga, "Mabilis lang naman, susukatan lang ako ng magiging suot ko at hindi pa tapos ang klase kaya mapapabalik agad ako rito."

His facial expression while eating the ice cream doesn't change that's why my heart start to beat. Sa pamamaraan niya nang pagkain ay kahit sinong tao ay mapapatigil sa taglay niyang kaguwapuhan. Swerte ko, I'm sitting and talking with him.

"Gusto mo pa?" I asked him with a wide smile.

Hindi niya ako gustong sumama kay Mama pero kailangan ko dahil kailangan ang mga sukat ko sa damit na susuotin ko. Halos walang araw na hindi ito pumipirmi sa bahay namin at kulang na lang ay ang tumira doon.

He deeply sighed, "Did you accept the offer to be part of that wedding or you just volunteered?" tanong niya gamit ang malamig niyang boses.

This is the firstime that I heard that tone on him, he sounds a bit mad but a more of sadness. I know that he don't want me to aloof with him, pero mabilis lang naman kasi ako doon.

"Nagulat na lang ako nang sabihin ni Mama na isa raw ako sa mga abay. Hindi ko naman alam at gusto ko rin maranasan 'to Ross," usal ko gamit ang malambot kong boses.

Bumuntong-hininga ako dahil tiningnan niya lang ang ako at kumain muli. He didn't even move my ice cream that I handed to him.

"Don't try to talk some other guys there at sa mismong kasal ng Tita mo, sasama ako," maawtoridad niyang sabi at napalunok ako.

I nodded, "Sure! Hihintayin kita."

He didn't let go my hand while he's driving to my house at habang nagmamaneho siya ay panay ang sulyap niya sa akin. Gusto niyang sumama pero marami siyang gagawin ngayon, lalo na sa sa mga school works. Kahit naman ako, pero excused ako sa Lunes dahil baka hindi ako makauwi agad.

"Tumawag ka kapag nakarating na kayo doon," sabi niya sa akin at hinalikan ang labi ko, "I love you Justine."

Sa magdadalawang buwan naming pagsasama ay ang epekto ng mga halik niya sa akin ay ibang iba. Siguro kung sa may sakit, ay ito 'yung gamot na ilang segundo lang ay maayos na. When his lips is attached on mine all of the my problems and pain thoughts are slowly vanishing.

Walang ibang labi ang hahanapin ng puso ko, kundi sa kaniya lang.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising nina Mama dahil sa biyahe namin papuntang bahay nina Tita sa Cavite. Nandoon na rin sina Lola't Lolo na sabik nang makita ng mga mata ko.

"Ang mga Apo ko!"

Lola and Lolo's cracky voice are so exciting to hear. We haven't seen each other for a year at sa tuwing niyayakap nila kami nina Ate ay naluluha ako.

Tanggap na tanggap nila ako.

"Oh, ano na? Kumusta?"

Tanong ko kay Oliver at Nael na abalang kumakain ng almusal sa malaking hapag-kainan nina Tita.

bakit ako? (bl story)Where stories live. Discover now