1ST ONE - 10.

37 3 1
                                    

1ST ONE - 10.

Kaagad silang dumiretso sa space ni Minje. Naroon iyon sa kabilang building mula sa Entertainment, may di-kalakihang kwarto na may Christmas tree na nasa tabi.

Binuksan ni Ace ang pinto. Pagkabukas ng ilaw ay kaagad silang pumasok sa loob.

"Mag-isa lang siya dito," sabi ni Jia sabay upo sa malambot na sofa. "Uhm, minsan ay nakikitulog ako dito kasi pagod sa part-time job tapos sandamakmak ang schoolworks."

"Kailan ang part-time job mo?" tanong ni Yhena sabay tabi sa kaniya.

"Every Thursday and Saturday, minsan sa Monday din kung kailangan talaga. Every 09:00 am," aniya. "Last year ko na sa pag-aaral."

"College student ka na, hindi ba?"

"Turning. Sa Pinas na ako magpapatuloy ng College, uuwi ako sa Laguna dahil nando'n si tita."

"Ah.."

"Wala ka na bang iba pang nais na itanong sa akin, Ate Yhena? Ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap nang maayos, e."

"Hmm? Ako magtatanong sa'yo," sabi ni Ace. "Paanong napunta ka sa FirstOne Entertainment? E hindi ba't kaya ka nandito ay para mahanap ang dad and brothers mo? Saka nag-aaral ka na rin dito. So paanong nakilala mo si Minje?"

"Ayy, ang dami mo namang tanong," sabi ni Alpha.

"Sinabi mo pa," natatawang ani Yhena.

"Uhm, si Minje kasi ay nasa Pinas no'ng time na nag-aasikaso ako ng mga dokumento, at saktong alam ko ang tungkol sa FirstOne Entertainment. Sadyang nagkataon lang ang lahat. Naging close na rin kami kasi wala e, sadyang okay siyang maging kaibigan. Saka no'ng hindi ko pa kayo kilala, kayong pito, palagi kaming magkasama nina Minje at Jaehyun kasi nga may pinagkakaabalahan sa Entertainment. Nawawala lang ako 'pag nagtatrabaho at nag-aaral."

"Busy'ng tao ka nga pala," ani Yhena. "Dapat tumatak na ang bagay na 'yan sa'kin."

"Kaso mukhang mawawala ka nang tuluyan.." sabi ni Ace.

"No, hindi mawawala nang tuluyan. Oo, tapos na ang paghahanap ko kasi nga nandiyan na't nakita ko na sila, at syempre si Jayson din. Oo, ilang buwan na lamang ay tapos na rin ang pag-aaral ko. Pero, hindi pa tapos ang ginagawa ko sa Entertainment. Kaya kahit na pinapauwi na ako ni PDnim ay walang magbabago." Nilingon siya ni Jia.

"Isang buwan tayong hindi magkikita."

"Hala?" Nilingon ni Jia si Alpha. "Anyare sa bestfriend mo? Nag-drama bigla?"

"Hayaan mo 'yan, pagbigyan mo na," nakangiwing sabi ni Alpha.

"Nabibigla lang ako," aniya. "Sus, isang buwan lang naman. Saka kapag nag-debut na kayo dito, pangako, makikita niyo ako sa araw na 'yon."

"E ano nang gagawin mo 'pag nasa Pinas ka na ulit?" tanong ni Yhena.

"Mag-aaral pa rin, through online. I'll just tell my professors about it. Saka, balak ko muling tumulong sa business ni tita."

"Anong business?"

"Coffee and Pastries Business," aniya.

"Ah.."

"Ang lungkot ni Ace," baling ni Alpha sa bestfriend na walang kagana-gana na nakasalampak sa kabilang sofa.

"Tabi," sabi ni Jia at nagpalit sila ng pwesto ni Alpha. Kaagad na niyakap ng dalaga patagilid si Ace. Napasandal ito sa kaniya.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz