1ST ONE - 11.

27 3 5
                                    

1ST ONE - 11.

"I love you, hihi," sabi ni Ace sabay yakap kay Jia.

Ilang beses nang nangyayari ang eksenang iyon. Bagama'y lasing na ang lahat, wala pa ring nais na magpatalo. Nakailang bili na si Minje ng case ng Soju, ngunit wala pa ring nagpapaawat.

"Lasing ka na," sabi ni Jia sabay layo nang bahagya kay Ace. "I think we should stop this."

"Akala ko ba tatapusin natin 'to?" tanong ni Alpha na nakahiga na sa mga hita ni Yhena, lasing na rin siya.

"Tingin ko hindi ko na kakayanin. Saka, si Ace.." Nilingon ni Jia si Ace at tuluyan siyang napapikit.

Nakatulog na ito nang tuluyan.

"Ate Yhena? Okay ka pa?" Nilingon niya rin si Yhena. "'Uy, nakapikit na rin siya. Hala, let's stop na."

"Uhm?" Napaupo si Alpha at tuluyan nang napasandal sa kaniya si Yhena. "Siya sige, itigil na 'to."

"Daehwa, Daehwa.." Hinarap ni Jia ang kaibigan na nakasandal sa sofa. "You're going with us?"

"Nah, gotta sleep here," mahinang sagot nito sa kaniya.

"Okay, we'll get going. I'll be back here tomorrow."

"No need, eonnie. Just mind him.." Itinuro ni Daehwa si Ace. "Hmp, gotta continue my sleep.."

"Oh okay.." Tumayo si Jia sabay akay kay Ace patayo. Inilagay niya ang isang braso nito sa kaniyang balikat sabay hawak naman sa isa pa.

"Kaya mo?" tanong ni Alpha sa kaniya.

"Kakayanin. Wala akong choice," aniya.

"Ako na bahala sa kaniya. Akayin mo si Yhena."

"Sige."

Tahimik silang umalis, at naiwan sina Minje at Jaehyun na nakasandal sa dingding at tahimik na natutulog. At si Daehwa, ayun at nakatulog na sa kaniyang pwesto.

Mula sa may lobby ng Entertainment. . .

"Jayson?"

"Oh? Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Jayson pagkatayo mula sa upuang nasa tabi ng elevator. "Teka, Jia? Amoy alak ka."

"Nakainom kami, hehehe," sabi ni Ace na pagewang-gewang sa pagkakatayo.

"Tulungan mo kami.." Napaupo sina Ace at Alpha. Kaagad naman silang nilapitan ni Jayson.

"Hay nako, bakit naman kayo nagsiinom? Sinong kasama niyo?"

"Sila oppa.." sabi ni Jia at dumiretso silang lima papasok sa elevator.

"I love you so much, hihihi," sabi ni Ace sabay yakap kay Alpha.

"Ano ba? Nakakadiri ka, hahaha!" natatawang sabi ni Alpha. "Yhena my love!"

"Shh nga kayo," sabi ni Jayson sabay alalay kay Jia na babagsak na. "Ano bang pinanggagagawa niyo? Hayyy.."

Ilang minuto ang nagdaan at tuluyan silang nakarating sa kani-kanilang kwarto. Nasalubong sila ni Marina.

"Anyare?"

"Nakainom sila.." Lumingon sa kaniya si Jayson.

"Ako na bahala sa dalawang 'to," aniya sabay akay kina Yhena at Jia papunta sa kwarto nila.

"May sariling space daw si Jia dito. Doon mo siya idiretso para makatulog siya nang maayos."

"Sige. Ikaw na bahala sa dalawang 'yan.."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora