Chapter 20

5.9K 457 75
                                    

Palingun-lingon ako sa paligid nang makalagpas ako sa gate ng school. Nasaktuhan namang nagkasabay kami ni Val kaya kasama ko siyang naglalakad at iba na ang tingin niya sa akin.

"Ella, ba't ba lingon ka ng lingon? May tinataguan ka ba?" tanong niya. Umiling naman ko bilang sagot at pilit na ipinirmi ang mata sa dinadaanan hanggang marating namin ang classroom. "Eh, ano?"

"Wala naman."

Pagpasok namin sa loob ay marami na kaming classmates na panay ang daldalan sa isa't isa dahil wala pang teacher. Pasimple kong nilingon ang paligid pero ni anino ng kambal ay hindi ko nakita. Papasok ba sila? Absent sila kahapon. Sinubukan kong i-chat pati i-message sa Wattpad si West pero wala akong nakuhang reply. Kinapalan ko na mukha ko at pati si East ay ni-chat pero wala rin.

"Good morning, Ella and Fabrega!" Bati ni Jo nang makaupo kami. Nilagay ko ang bag sa likuran ko at nginitian lang siya, wala namang reaction 'tong kaibigan ko. "How's your morning?"

"Ayos naman," sagot ko.

"Hindi maganda."

Kumunot ang noo ko sa sagot ni Valeen, halatang wala nga siya sa mood. Anong problema ng babaitang ito? Kapag kasama namin si Julliana, bigla na lang siyang sumeseryoso. Kanina naman okay pa siya, ah.

Si Jo naman parang wala lang sa kanya yung ginawa ng best friend ko, umikot pa talaga ito sa likuran nito para lang magbigay ng back hug. Walang reaction si Val pero hindi rin naman siya pumapalag. Ang gulo ng dalawang 'to.

"Sungit mo talaga sa akin," ani Jo. Tumawa pa ito. "May period ka?"

Hindi sumagot si Val. Napailing na lang ako sa kanila. Ewan ko ba naman din kasi kay Jo, halata nang hindi siya trip ni Valeen pero palagi pa rin siyang dumidikit. Kung tutuusin ang daming lumalapit sa kanya dahil sa friendly vibes niya pero wala, gusto niya yata yung sinusungitan siya, eh. Napansin ko kasi kahit pabiro siyang sinusungitan ni West ay ayos lang sa kanya. Wait...

"Jo," tawag ko.

"Yes, Ella?" Ngumiti siya at ipinatong ang baba sa tuktok ng ulo ni Val, umirap naman ang huli.

Napakamot ako sa pisngi ko. "Alam mo ba kung bakit absent sina West?"

Tumingin siya sa akin bago umiling. Saka ko naman napansin na nakuha ko ang atensyon ni Val dahil sa tinanong ko. "Hindi, eh. Curious nga rin ako."

"Hindi mo ba sila nakakausap?"

"They're not replying to my messages, eh." sagot niya ulit. "Gusto mo puntahan natin sila sa kanila?"

"Sama ako," biglang sabi ni Valeen.

"Interested ka bigla, baby?" may halong pang-aasar ni Julliana kay Valeen. "Ikaw talaga, kapag sa crush mo..."

Umirap si Val pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya. Hindi ko maintindihan pero parang bumigat ang puso ko sa thought na may crush nga pala siya kay West. Ang weird ko talaga recently, ano naman kung crush niya? Matagal ko naman nang alam 'yon.

"Okay lang kayang puntahan natin?" tanong ko.

Nagkibit ng balikat si Jo. "Wala namang mawawala. So pwede ka ba?"

"Magpapaalam pa ako kay Mama na late uuwi kung gano'n."

"Okay, ako rin. Ikaw, baby Fabregas?"

"Tigilan mo nga 'yang kakatawag ng baby!" Halatang iritable na si Val. "Sasama ako, magpapaalam lang din ako."

"Very good!" Tumawa ng mahina si Jo na para bang wala lang sa kanya yung pagtataray ng isa. "And for the record, baby ko kayong lahat kasi we're all friends. Right, Ella?"

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon