1ST ONE - 12.

30 3 3
                                    

1ST ONE - 12.

Pagkababa mula sa pagsakay sa elevator ay kaagad nilang tinungo ang restaurant.

"Good morning everyone." Pagkakita ay binati sila ni Jia.

"Morning sis," sabi ni Jayson sabay yakap sa kaniya.

"Ehem." Lumingon sa kanila si Ace.

"Haha, morning," sabi ni Jia sabay yakap din kay Jayson. Hindi nila pinansin si Ace.

"Aba aba, may pa-'Sis' na Jayson?" tanong ni J.

"Kapatid ko naman siya, ah?" sabi ni Jayson pagkakalas mula sa yakap nila ni Jia.

"Sabagay," sabi ni Alpha. "Kumain na nga tayo."

"Siya siya, kumain na kayo," sabi ni Jia at nagsiupo na sila.

Dalawang lamesa ang ginamit nila.

Habang kumakain ay panay ang bungisngisan ng PanTon. At sina Jayson at Jia nama'y panay ang asaran sa isa't isa.

Para nga talagang walang nangyari sa nagdaang araw.

"Mag-bike tayo," suhestyon ni Ace mayamaya. "Sino sasama?"

"E lahat ba nay bike?" tanong ni Max.

"May kilala akong pwedeng hiraman ng mga bike," sabi ni Jia. "Ikutin natin ang Riverside. Tapos diretso tayo sa hangout namin."

"Talaga? Dami mo yatang plano?" nakangiting tanong ni Yhena

"Yes naman, hindi kayo mabuburyo. Saka sulitin na natin ang mga araw," makahulugang aniya.

"Sabagay.." Sumang-ayon naman ang iba pa.

"Nag-open ako ng Facebook kanina," sabi ni Gift. "Ang ingay ng mga For.One, ang daming mentions sa atin at sa page. Hahaha, nakakatuwa lang talaga. Saka, 'yung nangyari daw kagabi kay Jayson, saka 'yung pag-uwi niya daw sa GC niya, ayon naka-post lahat."

"Late na nga akong nakauwi," natatawang sabi ni Jayson. "Nakaka.. alam niyo 'yon? Ang sarap lang sa feeling, haha."

"Pero ano kayang masasabi nila 'pag nalamang may kapatid si Jayson?" tanong ni J.

"Kagabi pa ako kinukulit ni Aya kung totoo bang may kapatid si Jayson," pagbabahagi ni Yhena. "Ang dami kasing nagsasabi na mayroon daw. Hindi ko alam kung may nasunod ba sa atin dito or what, kasi ang daming nakakarating sa Pinas e. Kahit na walang i-post. Gano'n."

"'Yun na nga.." sabi ni Marina.

"Sabagay, mas nakikilala na sila. At hindi na bago ang gano'n. Saka, anong magbabago kung sabihin man ni Jayson na may kapatid siya? It's not really a big deal. Sure akong mas ma-e-excite sila 'pag nalamang may kapatid siya," dugtong pa ni Yhena. "Saka, si Aya mismo ang unang magpapakalat daw once na sabihin ko sa kaniya kung sino ang kapatid ni Jayson."

"Wala namang problema sa akin kung malaman ng For.One na magkapatid kami ni Jayson," sabi ni Jia. "Maganda nga 'yon. Sakto, once na nasa Pilipinas na tayong lahat, at kapag nag-debut na sila tapos magaganap na ang regional tours, may chance na makita ko na ang fans na sumusuporta sa boys mula noong pre-debut days nila until now. Gano'n."

"Nakaka-curious ka Jia," sabi ni Marina. "Buti pa si Yhena, ano? Kilala ka na niya noon pa. Sure ako na lahat ay alam niya about sa'yo."

"Gusto niyo malaman kung anong ginagawa ko sa Entertainment?"

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now