1ST ONE - 13.

26 1 1
                                    

1ST ONE - 13.

"Nasa'n na sila?" nagtatakang tanong ni Yhena. Kasalukuyan silang nakatayo sa tabi ng space ni Minje. Nagsisimula nang sumikat ang araw ngunit ang klima'y malamig pa rin.

"Hayaan muna natin sila ate," sabi ni Jia. Pare-pareho silang nakasuot ng white shirt at black jogging pants. "Paniguradong nag-uusap-usap pa ang mga 'yon."

"Anong pag-uusap-usap naman kaya?" tanong ni Marina. Nakasuot rin sila ng sneakers.

"Ewan ko," kibit-balikat na sagot niya. "Basta ang alam ko ay magkakaroon pa ng chaos. Sa kakulitan ba naman ng mga 'yon. Haha!"

"Haha!" Natawa si Yhena. "Noong trainee days ba nila ay nandiyan ka na?"

"Hmm, yup. Pero hindi ako nagpapakita sa kanila." Lumingon si Jia sa malayo. "Nasa iisang practice room lang kami, hindi ako nagpapakilala. Ang sabi lang sa akin ay magtrabaho ako nang maayos at tahimik. At malaya akong makakagalaw sa buong entertainment."

"Ah, as in hindi mo man lang sila nakakausap kahit ilang conversation lang?" tanong ni Marina.

"Except kina Ace, Jayson at Max. Sina J at Joker talaga ang mahilig makipag-usap sa mga staff at sa aming mga nasa Production Team. Napapagalitan na nga ni President kaso wala pa rin, kaya hinayaan na lamang kaming makipag-usap sa boys dahil wala namang ikasasama no'n sa amin. Noon ay ang snob ni Jayson, ewan ko bakit gano'n. Basta kung ano siya ngayon, hindi 'yan agad basta ganiyan noon."

"Siguro dahil bago siya sa field ng Entertainment," sabi ni Yhena. "Sabi ni Aya ay no'ng training days ni Jayson e he got zero in the three aspects. Pero tingnan mo nga naman ngayon, he got everything."

"Yes, even admirers." Bahagyang ngumiti si Jia. "No wonder. Nag-improve siya nang sobra e."

"Hindi ba kung sakaling hindi siya sa field na 'to napunta ay nasa art photography siya?" tanong ni Marina.

"Hmm, base sa mismong sinabi niya noon," aniya. "I'm not really into art photography. Pero well appreciated 'yan sa akin. And alam ko na gusto niyang maging director."

"Ah.."

*ENGKKK!*

Napalingon sila sa kabubukas lang na pinto. Nakita nila si Minje'ng nakasuot ng all black outfit. Ang buhok niya'y natatakpan ang kabuuan ng noo, at ang fresh ng kaniyang hitsura.

"Good morning," pagbati niya sabay labas dala ang kaniyang bisikleta.

"Good morning," sabi ni Jia. "Are you going to take a route somewhere?"

"Yeah. And I'll go to the grocery store," aniya. "How about you girls? You're wearing same outfits."

"We'll gonna jog around first then we'll go to Raemi's house to rent some of her bikes. I'll just use my credits."

"Just use mine. If you want to be fair, just lend some of yours in mine. Hmm?" Lumapit si Minje kay Jia sabay gulo sa kaniyang buhok. "I'll get going."

"Okay." Kinawayan siya ni Jia at tuluyang umalis si Minje sakay ng kaniyang bike.

"Mukha siyang pa-fall," sabi ni Marina. "Buti at hindi ka nagkakagusto sa kaniya?"

"Parang kuya na ang turing ko sa kaniya. Oo, pa-fall talaga 'yan. Nagtataka nga rin ang iba sa akin kung girlfriend nga niya ako dahil ang clingy niya na ewan. Ang nararamdaman ko lang naman is..'yung pagturing niya sa akin bilang kapatid. Gano'n. Saka wala nang humihigit do'n."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora