Bilang 18 - Sa 'yong palo

30 16 0
                                    

SA ’YONG PALO

Tumulo ang luha nang dahil sa sakit,
Sakit ng palong tumama sa puwet,
Palong kailangan nang patulugin,
Ang batang tila uhugin.

Sa hampas ng iyong tsinelas,
Napapabilis na lang ako ng karipas,
Matulin na tumakbo,
At doon magsisimula ang paghabol mo.

Papatigilin sa pag-iyak,
Kahit sakit na sakit pa siya sa tsinelas na bumagsak,
Ngunit titigil na ang pagluha,
Kung ang mga tingin na ay nagiging masama.

Sa makulit na batang gusto mong paluin,
Sa batang gusto mong disiplinahin,
Dahil sa gusto mo siyang tumino,
Minahal mo ako ng buong-buo.

Tumulo ang luha dahil sa sakit,
Hindi na dahil sa palo sa puwet,
Bagkus sa mahimbing na nitong pagtulog,
Paano na ang batang uhuging nadudurog.

Sa hampas ng mga ala-ala,
Mga ala-alang kumakaripas sa paglaya,
Sa pag takbo,
Ay hindi ko na mahabol kung hanggang saan ito.

Pilit na pinipigilan ang pag iyak,
Kalungkutan sa 'kin ay bumagsak,
W

ala nang luhang titigil,
Dahil wala nang tinging pipigil.

Sa makulit na batang gusto mong paluin,
Sa batang uhuging nais mong disiplinahin,
Hindi na kukulit ito,
Dahil wala na ang aking taga-palo.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now